metromanila.politics.com.ph

Milky B. Rigonan: Bye DICT?

325

Lumabo na ang posibilidad na maitalaga bilang Secretary ng Department of Information and Communications Technology si Senator Gringo Honasan.

Dapat sana ngayong January inaasahan na magsisimula na si Honasan sa DICT.

Di man kinumpirma pero ipinahiwatig ni Senate President Tito Sotto na malabo na sa DICT si Honasan.

Sa ngayon, itinuturing na bypass ang appointment ni Honasan at kailangang ire-appoint siya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maging ang Malacanang, kung noon ay maingay sa magiging bagong papel na gagampanan ni Honasan, ang tahimik ngayon sa kanyang appointment.

Aminado ang kampo ni Honasan na may ilan na tumututol sa kanyang magiging papel sa DICT.

Mas marami umano kasi ang bilib sa performance ni dating DICT Secretary Eliseo Rio na sumailalim na sa maraming briefing tungkol sa malalaking proyekto ng ahensiya kabilang ang pagpasok ng ikatlong telco at implementasyon ng national ID system.

Maging si Rio ay umapela rin noon kay Pangulong Duterte na huwag muna siyang palitan at bigyan ng pagkakataon na matapos at magampanan ang kanyang trabaho lalo na sa paglalatag ng operasyon ng 3rd telco.

Katuwiran pa ni Rio, wala siyang nakikitang urgent para madaliin ang paglipat ni Honasan sa DICT.

Pero maliban dito, dalawang isyu ang dapat sagutin ni Honasan na tila na-overlook nang ikunsidera niya ang posisyon.

Una, sa ilalim ng RA 10844 o ang batas na lumikha sa DICT nakasaad,” no person ma be appointed DICT Secretary unless they have at least 7 years of competence & expertise in any of the following: information and communications technology, cyber security, data privacy etc.

Sa ilalim naman ng kontitusyon, Article 6 Section 13, prohibits a Senator or Congressman from being appointed to any office which may have been created, during the term for which he was elected.

Naipasa ang DICT law noong May 13, 2016 nang si Honasan ay kasalukuyang Senador ng 16th Congress.

Ang tanong, kung hindi sa DICT, saan ililipat si Honasan?

Sa kasalukuyan, si Honasan ay chairman ng Senate on National Defense and Security.

Ikunsidera kaya ng Pangulo ang Department of National Defense kay Honasan? Maapektuhan kaya si Defense Secretary Delfin Lorenzana?

Mahirap naman ipilit ang DICT dahil malinaw na may mga malalabag na batas ang Palasyo.

Kung di uubra ang pagiging kalihim, ikunsidera na lang kaya ng Malacanang ang posisyon kay Honasan bilang President Adviser for Information Technology?