metromanila.politics.com.ph

Len Len Oreta pulls together an online tribute for mom Tessie Aquino

0 34

It’s sad to see her go amid the COVID-19 pandemic.

Malabon Mayor Antolin “Len Len” Oreta III took a day before baring his personal thoughts about his beloved mom Tessie Aquino-Oreta’s passing, which he chose to do via Instagram.

The politiko outlined his mom’s legacies for all of his followers to appreciate, having run their city as well back in the day.

“Sa ngalan ng buong Malabon, mananatiling buhay magpakailanman ang mga achievements at makabuluhang ambag mo sa kasaysayan — hindi lang sa Malabon kundi sa buong bansa,” he said. “We will be forever grateful to be loved and cared by a strong woman like you. Malabon will miss you, Mom. I will always miss you.”

It was a eulogy of sorts as the politiko captured all the great achievements of her dear mom and role model in politics, taking a series of posts to capture her greatness. His supermom was also a senator, a stateswoman, and an Air Force reservist ready to serve the country when needed.

View this post on Instagram

Sa ngalan ng buong Malabon, mananatiling buhay magpakailanman ang mga achievements at makabuluhang ambag mo sa kasaysayan — hindi lang sa Malabon kundi sa buong bansa. We will be forever grateful to be loved and cared by a strong woman like you. Malabon will miss you, Mom. I will always miss you. ➖➖➖➖➖ PAGPUPUGAY KAY TESSIE AQUINO-ORETA “Education is the key to the improvement of the quality of life of Filipinos.” Ito ang paniniwala ni Senador Teresa “TAO” Aquino-Oreta bilang Chairperson ng Senate Committee on Education, Arts, and Culture ng 11th Congress. Kilala siya sa kanyang adbokasiya sa Edukasyon at nagtrabaho upang mapaganda ang employment status, working conditions, at welfare benefits ng mga public school teachers. “Gusto kong pangalagaan ang mga guro upang mas ma-enganyo sila na alagaan ang kapakanan ng mga kabataan na susunod namang mangangalaga sa kinabukasan ng bansa,” sabi niya. Siya ang pinakabata mula sa angkan ng mga Aquino sa Tarlac, na kilala sa kanilang serbisyo at pagmamahal sa bayan. Si TAO ay nakapagtapos ng elememtarya sa College of Holy Spirit sa Mendiola at high school naman sa Assumption College. Pagtapos nito, kumuha siya ng Literature and History sa Assumption Convent at natanggap ang kanyang International Studies degree sa Ciudad Ducal, Avila, Spain. Naging Reserved Lieutenant Colonel din siya ng Philippine Air Force matapos siyang makakuha Master’s Degree in National Security Administration mula sa National Defense College of the Philippines. Ikinasal siya kay Antolin M. Oreta, Jr., isang negosyante. May apat silang anak – Rissa, Len, Karmela, at Lorenzo. Bago maging isang Senador, nakilala na siya bilang isang mambabatas sa House of Representatives sa loob ng tatlong magkakasunod na termino, simula 1987 hanggang 1998, bilang representative ng distrito ng Malabon at Navotas. Noon pa man, nakatuon na ang kanyang pansin sa mga isyu na tumatalakay sa Edukasyon, Kababaihan at Kabataan, Kabuhayan at Trabaho, Food and Health, pati na rin ang pagpapaganda pa ng mga pampublikong pasilidad ng Malabon at ng buong bansa.

A post shared by Len Len Oreta (@lenlenoreta) on

View this post on Instagram

[2] Sa mababang kapulungan, nasa 280 bills ang kanyang inakda, 79 dito ang naging batas. Mayroon din siyang 101 proposed local and national resolutions kung saan 20 dito ay ipinagtibay. Dalawang beses din siyang naging Assistant Majority Floor Leader; ang una ay sa 8th Congress noong 1987 at ang pangalawa ay sa 10th Congress noong 1995. Siya ang kauna-unahang babae na naging Assistant Majority Floor Leader sa kasaysayan ng mababang kapulungan. Bilang tagapagtaguyod ng Women’s Health Empowerment, inakda niya ang Republic Act 6864 na naging batas upang maitayo ang MAKATAO Center for Women Center/San Lorenzo District Hospital for Women sa Malabon noong March 1998. Layunin ng ospital na ito na magbigay sa publiko ng pinagsama-samang health services, health education, at counselling. Noong 1998 National Elections, naihalal siya bilang senador. Sa loob ng tatlong taon sa Senado, nakapagpasa siya ng 197 Senate Bills (authored and co-authored) at resolutions, patungkol sa Edukasyon, Kabataan, Kababaihan, Ugnayan ng Pamilya, Kalusugan, Local Governments, Trade and Commerce, Foreign Relations, Agrikultura, Agrarian Reform, Justice, Public Works, Human Rights, Cooperatives, Labor, Mass Media, at iba pa. Si TAO ay ginagabayan ng kanyang Seven-Point-Agenda na siyang nagtataguyod sa kanyang lehislatura: 1. The Filipino Child First. “Kailangan nating igarantiya na ang kabataang Pilipino ay maaalagaan sa isang kapaligiran na naaayon sa kaligtasan ng sanggol, hanggang sa kanilang paglaki at physical development.” 2. Caring for Our Teachers. “Walang reporma sa edukasyon ang magtatagumpay maliban kung ito ay teaching-learning process at nakatuon sa pagtulong sa guro na maging isang mas mahusay na guro.” 3. Governing Basic Education. “Itaguyod ang pagpapatupad ng desentralisadong sistema ng pangunahing edukasyon at ang pagtatatag ng mga pagkakataon para sa mga inisyatibo ng mga paaralan sa halip na isang balangkas ng patakaran para sa pamamahala ng pangunahing edukasyon na dapat sumunod sa prinsipyo ng isang shared governance.”

A post shared by Len Len Oreta (@lenlenoreta) on

View this post on Instagram

[3] 3. Governing Basic Education. “Itaguyod ang pagpapatupad ng desentralisadong sistema ng pangunahing edukasyon at ang pagtatatag ng mga pagkakataon para sa mga inisyatibo ng mga paaralan sa halip na isang balangkas ng patakaran para sa pamamahala ng pangunahing edukasyon na dapat sumunod sa prinsipyo ng isang shared governance.” 4. Modernizing Education. “Ang bagong mundo ng pag-aaral ay magdadala ng mga sariwang pananaw, itsura, at iba’t ibang mga hugis ng pag-aaral at mga paaralan.” 5. Universalizing Literacy. “Madaling maging self-complacent matapos mai-ulat na may mataas tayong literacy rate na 94%. Gayunpaman, nakakagambala pa rin na malaman na ang ibang bahagi ng tinatawag nating ‘achievement’ na ito ay ang katunayan na halos 11 milyong Pilipino pa ang hirap o kahit walang kasanayan sa pagbasa at pagbilang.” 6. Rationalizing Tertiary Education. “Naaalarma ako sa statistics na 16.2 lamang sa bawat 100 mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan na nagsimula sa Grade 1 ang nakaka-abot ng Kolehiyo. Ang agad na sumagi sa isip ko ay ang bilang ng mga kabataang hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Ibig sabihin, 83.8 sa 100 na mga mag-aaaral ang sumasalamin sa failures pag-aaaral o sa biktima ng kakulangan sa sistema ng edukasyon sa bansa.” 7. Policy Research. “Kailangang maghanap ng data tungkol sa batas sa edukasyon upang matiyak na ipinatupad ang mga ito at nakikinabang ang mga nag-aaral.” Ang ilan sa mga bill na kanyang naipasa at naisabatas sa 11th Congress ay: R.A. 8980 – Early Childhood Care and Development Act R.A. 8972 – Solo Parent Act R.A. 9053 – Philippine Landscape Architecture Act R.A. 8976 – Philippine Micronutrient Fortification Program R.A. 9003 – Solid Waste Management Act R.A. 8749 – Clean Air Act R.A. 8976 – Food Fortification Act R.A. 8792 – E-Commerce Act R.A. 9105 – Art Authentication Act R.A. 9036 – Philippine Science High School System Act R.A. 9155 – Governance of Basic Education Act

A post shared by Len Len Oreta (@lenlenoreta) on

View this post on Instagram

[4] Noong 1999 ay inilunsad ang Project TAO upang maisulong ang Teachers’ Advancement for Optimum Well-being. Ito ay ang nationwide survey tungkol sa employment status, working conditions, at welfare benefits ng mga public school teachers — ang pinaka-komprehensibong pag-aaral sa kasaysayan ng Philippine Education. Ito ay upang magbigay mukha at pangalan sa bawat statistical data tungkol sa mga guro ng mga lokalidad. Ang database nito ay kumpleto at nai-turn over na sa Department of Education, Culture and Sports upang palaging ma-update at mas mapaganda kung kinakailangan. Ang tagumpay nito ay ginamit din sa isa pang pag-aaral para naman sa kahandaan sa computer ng lahat ng mga pangunahin at sekundaryong mga paaralan, pampubliko at pribado, (Project TAO CARES) para magamit sa database ng DECS Central Office. Kaugnay nito, ang mga principal at schools division superintendents ay nag-training din para sa effective administration sa kanilang paaralan (Project TAO LEADS) at upang maging direktang tugon sa mga natuklasan sa Project TAO, pati na rin ang pagbabago na kailangan ng kanilang mga paaralan. Si Senador Aquino Oreta rin ang nanguna ng pagpapalabas ng pay slips para sa mga guro ng pampublikong paaralan sa kauna-unahang pagkakataon noong Agosto 2000. Ito ay agad niyang binigyang-pansin matapos malaman na ang mga guro ay walang ideya tungkol sa kanilang mga salary deductions dahil wala silang hawak na basic document para pagbasehan ng mga ito.

A post shared by Len Len Oreta (@lenlenoreta) on