metromanila.politics.com.ph

Manila hospitals ready for Traslacion 2017, Erap says

0 561

Inatasan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang anim na pampublikong ospital ng lungsod na siguruhing mabibigyan ng maayos na tulong-medikal ang sinumang deboto ng Black Nazarene na maaaring masugatan sa gaganaping Traslacion sa Lunes.

Ayon kay Estrada, Manilenyo man on hindi ay dapat bigyan ng karampatang tulong medikal lalo na ‘yung mga debotong sasali sa prusisyon.

“Tinitiyak ko sa lahat ng deboto ng Itim na Nazareno na handa tayong rumesponde sa anumang uri ng emergency, partikular na ang sinumang mangangailangan ng tulong-medikal,” pagtitiyak ni Estrada.

Noong 2016, dalawang deboto ang nasawi habang lagpas 1,200 pa ang nasugatan sa Traslacion.

Tiniyak naman ni Dr. Benjamin Yson, head ng Manila Health Department (MHD) na si Dr. Benjamin Yson, handa na ang anim ng ospital na pinatatakbo ng lugnsod para makatulong din sa mga national hospitals tulad ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC).

Ang anim na pampublikong ospital sa Maynila ay ang Sta. Ana Hospital, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila Medical Center, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC), at Justice Jose Abad Santos General Hospital.