metromanila.politics.com.ph

Bawas air traffic congestion: CAAP readies more night ops for airports

0 488

Magkaroon ng karagdagang biyahe sa gabi sa mga pangunahing paliparan sa bansa, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).

Sabi ni CAAP Chief Captain Jim Sydiongco, naghahanda na ang ilang airports sa bansa na may kakayahang mag-operate sa gabi.

Mainam aniya ito dahil makakatulong din ito para maresolba ang air traffic congestion lalo na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sabi ni CAAP spokespersn Eric Apolonio, apat na airports, kabilang sa Calbayog at Ozamiz, ang nakahanda para sa night operations.

Nitong 2016, 19 na airports ang nagbukas ng night operations. Kabilang dito ang NAIA; Mactan-Cebu; Clark; Subic; Davao; Laoag; Puerto Princesa; Iloilo; Kalibo; Zamboanga; General Santos; Bacolod; Laguindingan; Tacloban; Butuan; Legazpi; Dumaguete (Runway 27 only); Roxas; at Caticlan.

Nagpaplano naman ang CAAP na palakhin at pahabaain ang runway ng mga paliparan sa Kalibo, Virac, Calbayog, Ozamiz, at Cotabato.

Maglalagay din ang CAAP ngayong taon ng bagon Communication, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) technology sa NAIA.