metromanila.politics.com.ph

De-kalidad na, libre pa! Erap to build first-ever burn unit in OsMa

0

Nagpapatayo na ngayon si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ng isang specialized burn unit sa Ospital ng Maynila (OsMa) para sa mga Manilenyong hindi kayang magpagamot sa mga mamahaling pribadong ospital.

Ayon kay Estrada, ang itatayong pasilidad sa OsMa para sa mga burn parents ay de-kalidad ngunit libreng magagamit ng mga mahihirap na residente ng lungsod.

“Sa matagal na panahon ay wala tayong sariling burn unit sa ating mga public hospitals kaya naisip ko na magpatayo ng sarili natin, sa OsMa,” ani Estrada.

Noong umupo siya noong 2013, naglaan si Estrada ng P500 milyon para sa modernisasyon ng anim na public hospitals at 59 community health centers ng lungsod.

Sa kasalukuyan, limang ospital lang ang may burn units, na lahat ay pinapatakbo ng national government: Philippine General Hospital (PGH), Jose Reyes Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center, Southern Philippines Medical Centersa Davao City, at Quirino Memorial Medical Center.

Kamakailan lang ay inanunsyo ni Estrada na nagpapatayo rin siya ng HIV treatment center sa Sta. Ana Hospital upang matulungan ang pamahalaan sa pagkontrol ng HIV-AIDS.