metromanila.politics.com.ph

Anyare? Budget for Manila hospitals slashed, but city council denies there was irregularity in budget reduction

0

Pinabulaanan ngayon ng Sangguniang Panglungsod ng Maynila na may iregularidad sa planong pagtapyas ng pondo ng anim na pampublikong ospital sa lungsod.

Ayon kay Councilor Casimiro Sison, majority floor leader ng konseho, ililipat lang ang P360 milyong pondo ng mga ospital sa 59 barangay health centers para sa mas maayos at direktang pamimigay ng libreng maintenance medicines sa mga residente.

Paliwanag ni Sison, sobrang daming pasyente na ang nagpupunta sa out-patient department (OPD) ng mga ospital na ito.

“So anong magagawa ng mga ospital na ito? Ang nangyayari ay natatabunan ‘yung mga hospital patients. Nakakain, nade-dissipate funds nila that are meant for ‘in-patients’, napupunta sa mga out-patients. Hindi naman nila puedeng tanggihan ang mga pasyenteng ito,” ani Sison.

Matapos ang mahabang deliberasyon, napagkasunduan aniya sa konseho na ilipat ang P59,856,650 mula sa pondo ng bawat ospital at ilipat ito sa Manila Health Department (MHD) sa ilalim Dr. Benjamin Yson.

Sabi pa kay Sison, pinanukala ng MHD na dagdagan ang pondo ng mga health centers sa mga barangay upang palakasin ang kapasidad ng mga ito na maggamot sa mga simpleng sakit at mamigay ng libreng gamot direkta sa mga pasyente upang hindi na nila kailangang pumunta sa mga ospital.