metromanila.politics.com.ph

Hindi totoo’yan! QC denies 500% hike in real property tax

0 457

Pinabulaanan ng Quezon City local government ang bali-balitang nagpaplano ang lungsod na itaas sa 500 percent ang kasalukuyang rate ng real property tax (RPT).

Paglilinaw ni City Assessor Rodolfo Ordanes, ang proposed Ordinance Number 20CC-141 ay hindi mandato ng anumang pagtataas ng RPT.

Aniya, ang draft legislation na itinakda para sa pagrebisa ng nakaiskedyul ng fair market values (FMV) sa lupa at basic construction cost ng gusali sa lungsod ay nakasaad sa Section 219 of Republic Act 7160 or the 1991 Local Government Code.

“We want to clarify that there is no such thing as a 500 percent increase in RPT in Quezon City. That is not true,” sabi ni Ordanes sa report ng Manila Bulletin.

Tiniyak pa nito sa mga local business organizations at property owners na huwag sila maalarma dahil mali ang report na magkakaroon ng 500 percent increase sa RPT.

Paliwanag pa nito, ang plano ng city government ay pagtataas sa fari market value ng lupa at properties na huling na-adjust 21 tao na ang nakakaraan, at hindi para sa real propery tax.

Sabi ni Ordanes ang average ng FMV ng residential properties sa QC ay P5,000 per square meter na ayon sa Commission on Audit (COA) at Department of Finance (DOF) ay ‘outdated’ na.