metromanila.politics.com.ph

I-push na ‘yan! Manila to convert Rizal coliseum into commercial center

0 502

Plano ng Manila City government na gawing commercial center ang 11-hectarre Rizal Memorial Coliseum.

Sa report ng Philippine Star, sinabi ni Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na balak ng city government na makipag-joint venture sa business/developer na si Enrique Razon para sa construction ng commerical center kung saan magkakaroon ng mall, sinehan at iba pa.

Plano naman ng national government na ilipat ang coliseum sa Clark, Pampanga bilang bahagi ng paghahanda para sa 2019 SEA Games kung saan host ang Pilipinas.

Ang joint venture project para sa construction ng commercial center sa lugar ng Rizal coliseum ay isa sa apat ng proyekto ng pinanukala ni Pangulong Duterte sa pulong nila ni Estrada sa Malacanang noon.

Samantala, sinabi din ni Estrada na may joint venture din ang Manial city government sa R-II Builders para sa reclamation at housing projects sa 200 ektaryang property sa Port Area, Manila.