metromanila.politics.com.ph

Rally pa more: Police gears for bigger anti-Marcos protests this week

0 302

Ready na kami!

Naghahanda ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) para sa marami at mas malalaking kilos protesta sa mga susunod ng mga araw kasunod nang sopresang paglibing sa dating diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani noong Biyernes.

Tiniyak ni NCRPO chief Oscar Albayalde na kanilang paiiralin ang maximum tolerance sa lahat ng kilos protestang magaganap ngayong linggo ito sa mga protest venues tulad People Power Monument at EDSA Shrine.

Nitong nagdaang Biyernes, nagsagawa ng lightning protest sa People Power Monumento ilang oras matapos ilibing si Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Sabi ni Albayalde ang People Power Monument ay isang freedom park kung saan pwedeng payagang magsagawa ng protesta ang sinuman.

Inabisuhan naman nito ang mga organizers ng mga protesta na kumuha ng permit mula sa logal government units para maging legal ang kanilang mga pagkilos.

“Under Batasang Pambansa 880, mayors are required to assign public spaces where people can freely protest,” sabi ni Albayalde sa Manila Bulletin.

“Without designation from mayors, all parks will be deemed freedom park in the city,” dagdag pa nito.