WebClick Tracer

METROMANILA.POLITICS.COM.PH
About POLITIKO
Advertise
Contact Us

MMDA: All systems go for ‘Undas’ 2016

Kanselado ang day off ng 2,886 traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para tutukan ang daloy ng trapiko ngayong All Saints’ Day at All Soul’s Day.

Nagpalabas na ng direktiba si MMDA office in charge Tim Orbos para sa lahat ng trafficenforcers, towing at clearing group, gayundin ang kanilang clean-up crews.

“Personnel will be fielded on thoroughfares to clear major roads and sidewalks of all forms of obstructions and ensure smooth flow of traffic,” sabi Orbos.

Patuloy ang MMDA personnel sa pagpapatupad ng traffic rules, partikular ang ‘no parking rules’ sa mga pangunahing lansangan sa All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Kanselado ang Unified Vehicular Volume Reduction Program or the number coding scheme ngayong araw, Oct. 31 at bukas Nov. 1

Magpapadala ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ng mga mobile patrol units, police personnel at medical teams sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila, partikular doon sa malapit sa mga cemeteries at memorial parks.

Maglalagay din ng public assistance stations sa mga sementeryo, pampubliko o pribado man ito.
Pangunahing tututukan ang apat na pangunahing cemeteries -Manila North, Manila South, Loyola Memorial Park at Manila Memorial Park.