metromanila.politics.com.ph

Hirit ni Macalintal: Special election sa Las Piñas

0

Hiniling ni Atty. Romulo Macalintal sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng special congressional election sa Las Piñas para mapunan ang puwestong na iniwan ni Mark Villar na ngayo’y kalihim na ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Batay sa batas, sinabi ni Macalintal na dapat magdaos ang Comelec ng special election sa loob ng 90 araw.
“The law on filling vacancy in Congress provides that the special election should be conducted provided the remaining term of office is at least one year before the next regular election,” sabi nito.

Si Villar na nahalal na representative ng lone district ng Las Piñas noong Mayo ay nagbitiw sa kanyang puwesto noong Agosto 1 matapos siyang italaga ni Pangulong Duterte sa DOWH.

Dapat umanong isagawa ang halalan sa pagitan ng Setyembre 30 at Oktubre 30.

“The Comelec should take notice of Villar’s resignation and the existence of the vacancy,” sabi pa ni Macalintal.