WebClick Tracer

METROMANILA.POLITICS.COM.PH
About POLITIKO
Advertise
Contact Us

Erap inalerto ang MPD sa Todos los Santos; 2,400 pulis ipapakalat sa mga sementeryo

Inatasan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang Manila Police District (MPD) na ihanda na ang kanilang security plans para sa darating na All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre 1 at 2.

Kahit wala namang banta sa seguridad sa lungsod, sinabi ni Estrada na hindi pa rin dapat magpabaya ang 4,652 miyembro ng MPD upang masiguro ang tahimik at maayos na pag-obserba ng naturang selebrasyon.

“Ang nais lang natin ay masigurong ligtas ang publiko sa pagpunta nila sa mga sementeryo. Mayroon dapat tayong sapat na bilang ng tauhan para i-assist ang milyun-milyong tao na dadalaw sa mga sementeryo,” ani Estrada.

Ayon kay MPD director Senior Supt. Joel Coronel, ilalagay sa full alert status ang Maynila simula 12:01 ng umaga ng Oktubre 29.

Aniya, 2,450 na pulis ang itatalaga sa apat na malalaking sementeryo sa Maynila – ang 54-ektaryang Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, La Loma Catholic Cemetery, Manila Chinese Cemetery, at Manila South Cemetery, na nasa Makati City ngunit parte pa rin ng teritoryo ng Maynila.

Bukod pa ito sa mga foot at mobile patrols at mga checkpoints sa buong lungsod, dagdag ni Coronel.
“We are going to secure all these four big, major cemeteries here in Manila,” ani Coronel. “And as early as October 22, in coordination with the city government, we will start clearing all obstructions in these cemeteries.”
Wala naman aniya silang natanggap na anumang security threats sa lungsod mula sa kanilang mga intelligence sources.

“Our challenge, I think, is the number of people or the volume of people that will be visiting the cemeteries,” binigyang diin ni Coronel.