metromanila.politics.com.ph

Huwag maalarma! NCRPO chief assures no death squad in Metro Manila

0

Hindi naniniwala si National Capital Region Police Office (NCRPO) director CSupt. Oscar Albayalde nasa Metro Manila na ang diumano’y Davao Death Squad (DDS) na siya umanong itinuturong responsable sa serye ng mga pagpatay sa ilang mga drug suspects.

Ayon kay Albayalde, sa ngayon ay walang pruweba na mga vigilante ang may kagagawan sa mga nakikitang biktima ng summary execution.

Kung totoo aniyang may death squad sa Maynila siguradong marami pang mga biktima ng summary killings ang narekober.

Paniniwala ni Albayalde, posibleng mga sindikato din ng droga ang may kinalaman sa mga pagpatay sa mga drug suspek.

Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng murder at homicide sa Metro Manila, sinabi pa nitong walang natatanggap na formal complaint ang PNP lalo na sa mga kamag-anak na napapatay na drug suspek.

Sa talaan ng NCRPO, mula July 1 hanggang July 17, 2016 nasa 70 indibidwal na ang na neutralized ng PNP sa kanilang pinalakas na anti-illegal drug campaign at 37 dito ay mga biktima ng summary killings.

Mahigit naman sa 636 ang nadakip at nasa 18,749 naman na mga drug pusher at user ang sumuko habang nasa 300 kilo naman ng shabu ang nakumpiska ng NCRPO sa kanilang operasyo.