metromanila.politics.com.ph

Gantihan lang: Abigail Binay filed election protest against Kid Peña

0

Si incoming Makati City Mayor Abigail Binay naman ngayon ang nagsampa ng election protest laban kay outgoing Makati City Mayor Kid Peña.

Sa election protest na inihain sa Commission on Elections o Comelec, sinabi ni Binay na nagbigay si Peña ng dalawang magkaibang bersyon ng reklamo.

Ito aniya ay paglabag sa Section 3, Rule 6 ng Comelec Resolution no. 8804.

Bukod sa election protest, hinimok din ni Binay ang poll body na tuluyan nang i-dismiss o ibasura ang reklamo ni Peña.

Ayon kay Binay, bigo raw si Peña na makapagbigay sa Comelec ng detailed information hinggil sa alegasyong vote-buying at malawakang dayaan sa halalan sa Makati City noong May 9.

Nauna nang naghain si Peña ng election protest kontra kay Binay.

Natalo si Peña sa nakalipas na eleksyon matapos makalamang si Binay ng 17,805 votes.