metromanila.politics.com.ph

Sonny Belmonte: Too old to be “balimbing”

0 384

Wala sa plano ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na maging bahagi ng Majority coalition, pagsapit ng 17th Congress.

Ayon kay Belmonte, matanda na siya para bumalimbing pa.

Sinabi nito na mas mainam na para sa kanya na maging bahagi na lamang ng Minority bloc ng Kamara sa susunod na Kongreso.

Tiniyak ito ng outgoing House Speaker sa harap ng mga kapwa Liberal Party Congressmen, sa naganap na pulong sa Kamara.

Sa kabila nito, wala pang katiyakan kung si Belmonte na ang magiging Minority leader sa 17th Congress, kahit pa tila nagparaya na siya ng speakership para kay incoming Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Sa rules ng Mababang Kapulungan, ang talo sa speakership, na pangalawa sa may pinakamaraming boto, ay otomatikong mahahalal na Minority Leader.

Ngayong araw din, pinangunahan ni Belmonte ang pagbuo ng manifesto of support para sa inaasahang magiging bagong Speaker of the House.

Batay sa bilang, abot na raw sa walumpung LP solons ang sumusuporta sa Alvarez leadership.