metromanila.politics.com.ph

Imelda Papin files electoral protest versus Arnulfo Fuentebella

0

Sumugod ang juke box queen na si Imelda Papin sa House of Representatives Electoral Tribunal o HRET para ipakansela ang pagkapanalo ng kanyang kalaban na si Camarines Sur Rep. Arnulfo Fuentebella sa katatapos na May 9 elections.

Sa protesta ni Papin, kinukwestiyon nito ang pagkapanalo ni Fuentebella.

Nauna nang iprinoklama ng Commission on Elections o Comelec si Fuentebella na nakakuha ng 83,969 boto o lamang ng 740 votes sa kalaban na si Papin na naka 83,229 boto.

Pero ayon kay Papin, mayroong iregularidad na naganap sa mga boto mula sa bayan ng Tinambac, gaya ng vote buying.

Ayon pa sa singer, mayroong mahigit sa 24,000 boto para sa kanya na idineklarang invalid ng Comelec.

Pagtitiyak naman ni Papin, “Ipaglalaban ko pong lahat ang mga kababayan ko sa fourth district.”