metromanila.politics.com.ph

Team Leni to Team BBM: Reklamo pa more

0

Hindi natitinag ang kampo ni leading Vice Presidential candidate Leni Robredo sa anumang hakbang o reklamo ng koponan ni Senador Bongbong Marcos.

Sinabi ni Quezon City Rep. Bolet Banal, isa sa mga tumulong sa kampanya ni Robredo, malaya ang kampo ni BBM na maglabas ng mga akusasyon laban sa VP bet ng Liberal Party.

Entitled din aniya si Team Marcos na kunin ang serbisyo ng kahit sinong magagaling na abogado, gaya ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes.

Pero paalala ni Banal, dapat may sapat na ebidensya sa Marcos at mga tao nito, para patunayan na may dayaan talagang nangyari sa bilangan ng mga boto sa pagka-Bise Presidente.

Ani Banal, unfair para kay Robredo na napagbibintangan, gayung malinaw naman sa track record ng Comgresswoman na may kakayahan siya para maupo sa ikalawang pinakamataas na pwesto sa gobyerno.

Miyerkules ng hapon, naghain ng petisyon ang Marcos camp para igiit sa Commission Elections o Comelec na magsagawa ng special audit sa automated election system.

Batay sa partial-unofficial election count sa pagka-VP, nangunguna pa rin si Robredo, at sinundan ni Marcos.