metromanila.politics.com.ph

Miro Quimbo’s “perfect speech” for pal Del de Guzman

0 758

Kilala si reelected Marikina Rep. Miro Quimbo bilang isang “jolly” na politiko, pero pagdating sa trabaho ay seryoso.

Subalit sa pambihirang pagkakataon, mapapanuod sa isang video, na nakapost sa Facebook, ang pag-iyak ng Kongresista.

Ito’y sa kasagsagan ng speech ni Quimbo para sa kaalyado at kaibigan na si outgoing Marikina Mayor Del de Guzman, na natalo noong nakalipas na May 9 elections.

Si De Guzman ay tinalo ni outgoing Marikina Rep. Marcelino Teodoro.

Sa naturang video, makikita kung gaano ka-emosyonal si Quimbo, kahit sa harap ng daang tao.

Nagawa pang magbiro ng Kongresista at sinabing “huling beses kong umiyak, noong iniwan ako ng girlfriend ko.”

Pero nang magseryoso, sinabi ni Quimbo na napakahirap para sa kanya na hindi nagwagi sa mayoralty race si De Guzman gayung mabait at mahusay siyang lider.

Nagpasalamat naman si Quimbo sa lahat ng mga tumulong sa kanilang kandidatura lalo na ang mga tumaya at hindi nang-iwan kay De Guzman.

Nagpasaring din ang Mambabatas sa mga aniya’y nagtaksil kay De Guzman dahil sa ‘pera,’ hanggang sa napamura pa ito.

Ani Quimbo, “kilala ko kayong lahat, mga hayop kayo! Si Mayor Del, marunong makalimot, pero ako hindi. Babalikan ko kayo, bawat nagtaksil kay Mayor Del.”

Dagdag nito, “pansamantala lamang na magpapahinga si Mayor Del. Ang isang mabait na tao ay hindi kailanman mapapabagsak. Magpapahinga siya para lumakas, alagaan ang mga anak.”