metromanila.politics.com.ph

The 2016 senatorial race: The final tally

0 1,099

Naiproklama na ang labing dalawang kandidato na nagwagi sa Senatorial race sa nakalipas na May 9 elections.

Sa proclamation na ginanap sa command center ng Commission on Elections o Comelec sa PICC, ibinigay sa winning Senators ang kani kanilang certificate of proclamation o COPs.

Batay sa 166 Certificate of canvass, kasama ang local absentee at detainee voting, ang mga proclaimed Senators ay sina:

1. Franklin Drilon, 18,607,391 (incumbent)
2. Joel Villanueva, 18,459,222 (new)
3. Vicente Sotto, 17,200,371 (incumbent)
4. Panfilo Lacson, 16,926,152 (returnee)
5. Richard Gordon, 16,719,322 (returnee)
6. Juan Miguel Zubiri, 16,119,165 (returnee)
7. Manny Pacquiao, 16,050,546 (new)
8. Francis Pangilinan, 15,955,949 (returnee)
9. Risa Hontiveros, 15,915,213 (new)
10. Sherwin Gatchalian, 14,953,768 (new)
11. Ralph Recto, 14,271,868 (incumbent)
12. Leila De Lima, 14,144,070 (new)

Sa mga nabanggit, tanging sina Senators Sotto at Lacson ang hindi nakarating sa proklamasyon.

Kapansin pansin naman na hindi kasama nina Recto, Pangilinan ang kanilang mga artistang asawa na sina Vilma Santos at Sharon Cuneta respectively.

Napakalakas naman ng hiyawan at palakpakan nang iproklama na sina Pacquiao at de Lima.

Bago ang pagproklama sa mga nanalong Senador, nag opening speech muna si Comelec Chairman Andres Bautista.

Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki nito ang aniya’y matagumpay na pagsasagawa ng May 9 polls.

Pinasalamatan din nito ang PPCRV, Smartmatic, mga ahensya ng gobyerno, mga grupo at syempre mga botante na tumulong para maging maayos at mapayapa ang automated na halalan.

Ang termino ng Senators elect ay mag uumpisang sa June 30, 2016.

Alinsunod sa batas, anim na taon ang termino ng mga Senador.

13233213_1298240693523719_1868968166_n