metromanila.politics.com.ph

Afraid of Binay? Peña weasels out of Makati forum

0 663

Mukhang takot na makaharap ni acting Makati Mayor Romulo “Kid” Peña sa isang forum ang mahigpit niyang katunggaling si Rep. Abigail Binay.

Sa ikalawang pagkakataon kasi, ‘no show’ si Peña sa isang forum na inorganisa ng St. John Bosco Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) para sa mga political candidates ng lungsod.

Dumalo sa forum si Binay at running mate nitong si Monique Lagdameo at lahat ng mga local bets ng United Nationalist Alliance (UNA). Kasama din sa forum ang lahat ng kandiato sa pagka-kongresista at pagka-mayor maliban lang kay Pena.

Una nang inisnab ni Pena ang debate noong April 27 sa Makati Sports Club.

“Sa pangalawang pagkakataon, hindi binigyang halaga ang pagharap at pagpapahayag sa mga taga-Makati ng kanyang mga programa. Inuulit ko, ito ay malaking responsibilidad na dapat gampanan,” sabi ni Binay.

Kailangang malaman ng mga taga Makati kung ano ang ating nagawa na at ano ang ating gagawin pa nang sa gayon ay may sapat silang basehan sa darating na eleksyon,” dagdag panito. (DM)