Monday, October 23, 2017
politiko-politics-ph-logo

Ely Saludar: Speaker Alvarez, Mahina na sa Pangulo?

Tila napahiya ang mga Kongresista sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagnanais ng mga ito na maalis sa puwesto si Customs Commissioner Nicanor Faeldon.

Sa idinaos na pagdinig mg House Committe on Dangerous Drugs, harap harapan na sinabihan ng ilang Kongresista si Faeldon na magbitiw na sa tungkulin..

Ayon kasi sa mga mambabatas ay malaking kahihiyan ang ibinigay ni Faeldon sa kampanya ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs matapos na makalusot ang P6.4 Billion na halaga ng shabu na dumaan sa BOC.

Hindi na tinapos ni Faeldon ang Hearing ng komite dahil nagpunta na ito sa Malacanang matapos na ipatawag ng Pangulo.

Matapos ang pagpupuong sa Malacanang ay agad na sinabi ng Pangulo na may tiwala pa rin siya kay Faeldon sa kabila ng mga kontrobersiya sa drug smuggling.

Isang malaking sampal sa mga Kongresista sa pangunguna ni Speaker Alvarez ang desisyon ng Pangulo na panatilihin pa si Faeldon sa tungkulin.

Ang persepsiyon ngayon ng publiko sa hakabang ng Pangulo na huwag sibakin si Faeldon ay tila mahina na ito sa Pangulo.

Tila natameme din si Speaker at nagkatoon ng katapat dahil ibinisto ni Atty. Mandy Anderson, na tauhan ni Faeldon ang umanoy pag lobby at pambrabraso sa promotion ng isang opisyal din Adwana.

Napilitan din si Speaker na amino at kumpirmahin ang kaniyang endorsement letter pero hanggang doon lang daw sa sulat at walang brasuhan.

May nagbulong sa akin na may posibilidad na magkaroon mg reorganisasyon sa Kamara ay magkatoon ng pagbabago sa liferato kung kayat mag abang na muna tayo sa mga susunod na mangyayari sa Konggreso.

Facebook Comments

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.