Thursday, November 23, 2017
politiko-politics-ph-logo

Ely Saludar: Selective Justice

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang sumisigaw ng selective justice kaugnay ng mga kasong kinakaharap ng ibat ibang pulitiko.

Sa kaniyang talumpati, binatilkos ng Pangulo ang Ombudsman at kung bakit may pinipili itong mga kaso na minamadali na maresolba at inuupuan.

Inihalimbawa ng Pangulo ang kaso nina dating Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla na aniyay kung pinayagan na makapagpiyansa ang iba ay bakit hindi puwde sa dalawang ito.

Marahil ay ang tinutukoy ng Pangulo ay ang pag aapruba na makapag piyansa si dating Senate President Juan Ponce Enrile na parehong may kasong Plunder kaugnay ng umanoy PDAF scam.

Kung sabagay ay pareho lang naman ang bigat ng kaso ng tatlong Senador pero iisa lang ang pinahintulutang magpiyansa.

Bukod sa kaso nina Estrada at Revilla ay sinilip din ng Pangulo ang kasong isinampa kay Senador Gregorio Honasan na may kinalaman din sa PDAF scam.

Ayon sa Pangulo ay bakit tumagal ang mga kasong ito na sinimulan pa sa panahon ng Aquino Administration.

Sa ngayon ay hindi pa umuusad ang paglilitis mismo sa Sandiganbayan sa mga kaso ng Tatlong Senador habang ang mga ito ay patuloy na naka kulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Idinagdag pa ng Pangulo na may mga tiwali sa Ombudsman kaya nagkakaroon ng tinatawag na selective justice.

Inaasahan ng lahat na magkakaroon ng pagbabago sa takbo ng kaso at agad na uusad ito matapos ang naging pahayag ng Pangulo upang makamtam ang tunay na katarungan sa bansa.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.