Friday, November 24, 2017
politiko-politics-ph-logo

Ely Saludar: OA si Speaker sa Martial Law

By: Ely Saludar

Agad kinontra ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si House Speaker Pantaleon Alvarez na para bang masyadong overacting (OA) na sa usapin sa Mindanao.

Ito ay sa dahilang nais ni Alvarez na gawing 5 taon na ang umiiral na batas militar sa buong Mindanao o hanggang sa matapos na ang termino ni pangulong Rodrigo Duterte sa taong 2022.

Ayon Kay AFP Spokesman Restituto Padilla ay masyadong matagal at mahaba ang 5 taon taliwas sa pananaw ni Alvarez ay nais nitong tuluyan ng matapos ang problema sa terorismo at rebelyon sa buong Mindanao at mas mabilis ito kung sa mananaatili ang pag iral ng batas militar.

Mangangahulugan ito ng patuloy na pagtutok ng AFP sa buong Mindanao dahil sila ang may mandato sa umiiral na martial law.

Dahil dito ay kailangang ang mas malaking puwersa ng AFP ang nasa Mindanao upang tugisin ang mga rebelde at terorista.

Pero dapat alalahanin ni Alvarez na ang obligasyon ng militar ay hindi lang sa Mindanao bagkus ay ang buong bansa na kailangang idepensa laban sa mga banta sa seguridad.

Papaano naman ang problema sa insurgency sa iba pang lugar sa Luzon at Visayas na siyang dapat ding pagtuunan ng pansin ng AFP.

At asahan natin na maymalaking epekto sa ekonomiya ang matagal na pagpapairal mg batas militar sa Mindanao.

Tiyak na iiwasan ng mga dayuhan turista ang Mindanao at maging ang mga negosyante na nais maglagak ng puhunan ay malamang na umiwas sa rehiyon.

Madaling magsalita lalo na kay Alvarez na isang taga Mindanao pero papaano naman ang mula sa Luzon at Visayas na marami ring problemang pang seguridad na dapat ay ibinabalaanse ng AFP ang pagtugon sa lahat ng suliranin.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.