Monday, September 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: Name calling

By: MILKY B. RIGONAN

Hindi porke’t walang sesyon, eh wala rin ganap sa Senado.

Salamat sa text at viber, madali na kunin ngayon ang reaksiyon ng mga Senador kahit walang session at kahit ilan sa kanila ay out of the country.

Dahil din sa technology, real time na rin ang word war ng mga Senador, hindi na kailangan hintayin ang pagre-resume ng sesyon sa July 24.

Last week, nagpalitan ng sound bites ang mga Senador nang kantiyawan ni Senator Antonio Trillanes IV na lapdog daw ng Malacanang ang karamihan sa kanyang mga kasamahan sa Senado.

Sabi ni Trillanes, “Senators have been reduced to mere puppets under Duterte administration for refusing to investigate the government’s supposed abuses”.

Siyempre, hindi ito pinalagpas ng ilang mga Senador gaya nina Senators JV Ejercito, Panfilo Lacson, Richard Gordon, Majority Leader Tito Sotto at Senate President Koko Pimentel.

Sagot ni Ejercito, “his recent statement disrespectful and unparliamentary. We in the Senate debate issues instead of hurling insults, we vote instead of calling each other names when we disagree.Maybe its high time that we refer to the Ethics Committee his actions, becoming damaging to the institution”.

Pero kung si Gordon ang masusunod, dedmahin na lang si Trillanes, wag pag-aksayahan ng oras ang pagta-tantrums nito.

Kung makararating nga naman ito sa Ethics Committee, may mangyayari ba? Sa kasaysayan ba ng Senado, may Senador na bang na-reprimand o nasampolan dahil lang sa pagkakaroon ng “attitude”.

Paliwanag ni Sotto, chairman ng Ethics Committee, pwedeng magsampa ng reklamo si Ejercito o sinuman sa kanila pero mas malakas kung may complainant na taga-labas.

O baka dahil matagal pa naman ang sesyon, malamig na ang isyu pag nagbalik na ang sesyon sa July 24.

Pero ano ba talaga ang agenda ni Trillanes? Hindi lang naman siguro para asarin ang mga kasamahang Senador.

Sa basa ng ilan, pinupuntirya ng mga alegasyon ni Trillanes ang mismong pwesto ng Senate President.

Niluluto na ba ng Senate minority ang change of leadership? Sinimulan na ni Trillanes ang puna sa liderato ni Pimentel na umanoy sunod-sunuran sa Palasyo, pinababayaan na bitin ang ilang controversial Senate hearing, naka-tengga ang ilang mahahalagang bills, at iba pa.

Ang tanong, may sapat bang bilang ang minorya sa Senado? Pagdating kasi sa mga isyu ng pagpapalit ng Senate President, dapat alam ni Trillanes na hindi lang dapat quotable ang mga sound bite.

Dito iiral ang numbers game.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Comments are closed.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.