metromanila.politics.com.ph

Milky B. Rigonan: Wake up call

208

Kailangan ang bagong strategy ng gobyerno para matanggap ng publiko ang isinusulong na charter change.

Sa latest result ng Pulse Asia survey na isinagawa mula March 23 hanggang March 28, karamihan sa mga mamamayan ay tutol sa chacha.

Sa survey, 75-percent ng mga taga-luzon ang tutol sa chacha,
65-percent sa Mindanao, 60-percent sa Visayas at 54-percent sa National Capital Region.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, Chairman ng Committee on Constitutional Amendment, sa mga isinagawang hearing ng kumite tungkol sa chacha, karamihan anya sa mga nakunsulta nila ay di pabor sa pagbabago ng ating saligang batas.

Sabi ni Pangilinan, sa mga ginawa nilang kunsultasyon sa mga stakeholders, sa dami ng mga problema ng bansa, hindi dapat prayoridad ng Palasyo ang charter change.

Paliwanag naman ni Senator Migz Zubiri, dapat maging malinaw impormasyon ng gobyerno tungkol sa panukalang amyendahan ang ating saligang batas.

Kung tinututulan ng publiko ang chacha, sinabi ni Zubiri na mahihirapan din na makumbinsi ang mga Senador na ipasa at suportahan ang panukalang pag amyenda sa ating konstitusyon.

Bukod dito, kaya rin malamig ang pagtanggap ng publiko sa panukalang chacha, lagi nitong kakambal ang term extension na negatibo ang dating sa publiko.

Pero sa totoo lang, malinaw ang mensahe ng resulta ng Pulse Asia survey, ibig lang nitong sabihin, wag nang ipilit ng gobyerno ang chacha.

Sa halip mas gusto ng taongbayan na unahin ng gobyerno ang mas malalaking problema ni Juan dela Cruz gaya ng kahirapan, patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, karahasan at iba pa.