Saturday, December 16, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: Turf war sa war on drugs?

Matindi ang problema sa droga sa bansa kaya naman seryoso ang Duterte administration sa war on drugs.

Dati ang Oplan Tokhang ay nasa ilalim ng Philippine National Police pero dahil nagkaroon ng kontrobersiya sa isyu ng extra judicial killings, at pagkakasangkot ng ilang tiwaling pulis sa ejk at mga sindikato ng illegal drugs, napilitan si Pangulong Rodrigo Duterte na ilipat sa Philippine Drug Enforcement Agency ang kampanya sa war on drugs.

Last month, opisyal na inilipat sa PDEA ang kampanya laban sa iligal na droga.

Dahil ongoing ang deliberation ng 2018 General Appropriations Act, nirekuminda ng mga Senador na ilipat sa PDEA ang 900-million pesos na pondo ng PNP para sa Oplan Tokhang.

Sa pag-aaral ng Senado, kailangan ng PDEA ang dagdag na mga tauhan, logistics at resources para mapagtagumpayan ang kampanya laban sa illegal drugs.

Aminado ang PDEA na malaking hamon na pangasiwaan ang kampanya dahil limitado ang kanilang mga tauhan para labanan ang talamak na problema sa iligal na droga.

Last week, nagdesisyon si Pangulong Duterte na muling ibalik sa PNP ang kampanya sa war on drugs.

Puna ng Malacanang, mahina umano ang PDEA na pangasiwaan ang kampanya laban sa droga.

Mismong Palasyo aminado na malawak ang problema sa illegal drugs, posibleng hindi ito tuluyang masugpo kahit matapos pa ang termino ni Pangulong Duterte.

Dapat alam din ng Malacanang na hindi kaya ng PDEA na gumawa ng milagro para malutas ang problema sa droga na dekada nang salot sa bansa.

Sa loob ng isang buwan simula nang pangasiwaan ng PDEA ang war on drugs, ano ba ang aasahan na magandang accomplishment sa loob lamang ng napaka-iksing panahon?

Sa mga nakalipas na Senate hearing, ramdam na hindi maganda ang rapport ng PDEA at PNP. Kadalasan, nagkakabangayan pa sa isyu ng teknikalidad sa mga nahuhuling personalidad o na-raid na mga pagawaan ng illegal drugs.

Sa halip na magkaroon ng kumpetisyon sa pagitan ng PNP at PDEA, mas makatutulong kung magiging maganda ang koordinasyon ng dalawang ahensiya.

Ito ang dapat gawan ng paraan ng Palasyo sa halip na magbangayan ang PNP at PDEA lalo na kung ang layunin ay mapagtagumpayan ang kampanya laban sa iligal na droga.

Politiko would love to hear your views on this...

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.