metromanila.politics.com.ph

Milky B. Rigonan: Stella Garces who?

237

The who? Yan ang tanong at reaksiyon ng Senate media nang mabasa ang pangalang Stella Garces sa press statement ng Public Relations and Information Bureau o PRIB.

Noong Martes, nakatanggap ng e-mail ang mga Senate reporters mula sa sender na Yvonne Almiranez.

Si Almiranez ay isa sa mga Information Officer ng PRIB. Sa umanoy email ni Alminarez , sa “undisclosed recipient” ipadadala ang email. BCC o blind carbon copy lang ang mga miembro ng Senate media na nakatanggap ng naturang email.

Ang email ay Exel file attachment na naglalaman ng media list, mga pangalan ng media na nagko-cover sa Senado at kasama sa impormasyon ay ang contact/cellphone numbers at media organizations.

Sa statement ng PRIB sa pamamagitan ni Raymond Corro, Bureau Director, wala umano silang empleyado na Stella Garces.

Hindi rin umano sila nagpadala ng email at naniniwala sila na na-hacked ang email address ni Almiranez.

Ongoing daw ang imbestigasyon sa pamamagitan ng Electronic Data Processing and Management Information System Bureau (EDP-MIS) para hindi na umano maulit ang insidente.

Sa email na natanggap o pinadala sa mga miembro ng Senate media, hindi lumitaw ang pangalang Stella Garces. Ang sender at email address ay nakapangalan kay Almiranez.

Saan nakuha ng PRIB ang pangalang Stella Garces?

Posibleng may padadalhan ba ng email? May pagbibigyan ba ng Exel file na naglalaman ng Senate media database kung kanino man?

Midterm election sa 2019 at kapag nalalapit ang eleksiyon, maraming email/press releases na natanggap ang Senate media mula sa mga hindi naman namin kino-cover.

Karamihan ang email/press releases ay mula sa mga PR ng pulitiko at posibleng mga kakandidato. Minsan, mas marami pang press release mula sa naturang mga PR kaysa sa mga Senador na kino-cover namin sa Senate.

Bakit nakukuha ng mga ito ang media list ng Senate media?

Ang impormasyon na binibigay ng Senate media sa PRIB gaya ng email add, cellphone numbers etc ay for coverage purposes pero hindi para ipamigay kung kani-kaninong PR o mga pulitiko.

Sana lang, mas malinaw ang inilabas na paliwanag ng PRIB kaysa ilutang ang pangalang Stella Garces.

Narito ang bahagi ng statement ng Senate media:

“The PRIB’s assurance of an investigation notwithstanding, we are constrained to raise this matter to higher authorities because it could have serious implications. It raises in our mind such questions as: (a) Did someone in PRIB or some other entity share reporters’ personal data to some parties for possible use by unknown “clients?” (b) are the reporters’ personal data to be used for purposes of the looming impeachment trial of CJ Sereno of for upcoming elections? ,(c) will the revelation of their personal data without their consent subject the journalists to any possible dire consequences ex. harassment, surveillance, demolition jobs or misuse or misrepresentation of their supposed participation in “PR packages” for certain coverages?”

Ilan sa reaksiyon ng mga kasamahan ko sa Senate media na matagal nang nagko-cover sa Senado:

Sherrie Ann Torres, ABS-CBN – yun fear ko nga violation sa Data Privacy Act. Tayo as journalists at some part may mga nao-offend tayo sa story. Ngayon, nadi-distribute ang personal info natin to certain quarters, it endangers us.

Nimfa Ravelo, DZBB – Binigay sa kanila yun personal info for their use (PRIB) not for them to dessiminate.

Christine Avendano, Philippine Daily Inquirer – Sino si Stella Garces?! Short for Garci ba ito? Di naman lumitaw yun pangalan na yan sa email. Saan nila kinuha si Stella Garces?

Angie Rosales, Tribune – I felt violated. Unang-una, yun info was entrusted to them with full trust and confidence that it will use work related, apparently, pinamigay nila kung kani-kanino. Ako nga walang social media account coz I value my privacy ,ngayon malalaman ko, nakabalandra ang personal info ko.