Friday, November 24, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: ‘Decorum’

By:  Milky B. Rigonan

“Observe proper decorum”.

Ito ang ilan sa rules ng Senado at Kamara lalo na kapag nasa plenaryo.

Simple lang ang ibig sabihin – “kagandahang asal”.

Pero ang salitang ito, hindi yata naalala nang magka-initan sa hearing ng Blue Ribbon Committee sina Senators Richard Gordon at Antonio Trillanes IV.

Napikon si Gordon sa patutsada ni Trillanes na “kumite de absuwelto” ang Blue Ribbon Committee at ina-abugado daw sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio.

Pero bago pa ito, may resolusyon na si Trillanes na humihiling na palitan si Gordon bilang Chairman ng Blue Ribbon Committee.

Sabi ni Trillanes, nawawalan ng pagkakataon na makapagtanong ang mga Senador dahil parang “one man show” ang hearing ng kumite sa pagkakapuslit sa BOC ng P6.4-B na halaga ng shabu mula sa China.

Sa Lunes ang hearing ng Senate Ethics Committee matapos mai-file ni Gordon ang ethics complaint laban kay Trillanes.

Di rin magpapahuli si Trillanes at tatapatan din ng reklamo si Gordon sa Ethics Committee.

Ang tanong? Uusad ba ang ethics complaint alinman kina Gordon o Trillanes?

Sa records ng Kongreso, limang miembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang napatawan na ng sanction.

Ang mga ito ay sina Senator Jose Alejandrino, 1924; Senate President Jose Avelino, 1949; Congressman Sergio Osmena Jr., 1960; Senator Juan Ponce Enrile, 1988 at Senator Heherson Alvarez, 1996.

Sa reaksiyon ng ilang sektor, bakit hindi na lang daw namagitan si Senate President Koko Pimentel para magkasundo ang dalawa at hindi na umabot sa pag-file ng ethics complaint?

Kung magiging conscious laban sa paggamit ng unparliamentary language, hindi ba dapat mag-apply ito sa lahat ng sangay ng gobyerno?

Di na bago ang verbal clash sa plenary, sa mga hearing man, interpellation at privilege speeches.

Madalas ang ganitong mga bangayan ang magandang soundbite kapag ibinalita na sa media.

Kadalasan ang mainit na bangayan ng ilang Senador humuhupa din lalo na kung may mamamagitan.

Sa interview ng DZRH kay Senate Majority Leader Tito Sotto, sinabi nito na susubukan nya na mamagitan.

Sa Lunes pa naman ang meeting ng Ethics Committee, baka naman bago magpulong ang kumite, lumamig na ang magkabilang panig.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.