Monday, September 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: Red tape

Di lang pala kahabaan ng EDSA ang nata-traffic kapag malakas ang ulan lalo na kapag may habagat.

Na-ta-traffic din ang ipinadadalang mobile text alerts dahil sa red tape sa ilang ahensiya ng gobyerno.

Last week, ilang araw maulan. Kahit walang storm signal sa Metro Manila at sa buong National Capital Region, malakas ang ulan dala ng habagat.

Dahil dito, kanya-kanya ng suspension of classes ang mga local government units sa NCR.

Maraming LGU’s mabilis magdesisyon. Gabi pa lang ng Martes, nag-suspend na ng pasok sa mga eskuwelahan base sa weather bulletin ng PAG-ASA.

Pero last week, ilan lang ba sa atin nakatanggap ng text alerts para mabigyan ng update ang publiko sa lagay ng panahon, banta ng bagyong Gorio at iba pa?

Tulad ng desisyon ng ilang LGU’s lalo na ng Quezon City government na sobrang late mag-suspend ng klase…kundi man huli ay walang natanggap na mobile text alerts ang mga subscriber mula sa mga telco.

In fairness sa mga telco, hindi lang dapat sila sinisisi sa mabagal o kawalan ng ipinadadalang mobile text alerts sa panahon ng bagyo o kalamidad.

Anyare? Nababalewala ang Repubic Act 10639 o Free Mobile Disaster Alerts Act na ang objective ay mabigyan ng real time information ang publiko sa panahon ng kalamidad gaya ng bagyo o lindol.

Itinuro ni Senate President Protempore Ralph Recto sa red tape kaya dumadaan sa mahabang proseso ang information dissemination na dapat makarating agad sa publiko kapag may kalamidad.

Sabi ni Recto, magiging real time lang ang information dissemination kung hindi na eeksena ang National Disaster Risk Reduction Management Council.

Sa ngayon may gray area ang RA 10639 na ang NDRRMC lang ang authorized generator of alerts.

Pero bakit dumadaan pa sa NDRRMC ang alert mula sa PAG-ASA, PHIVOLCS at iba pang concerned government agencies sa halip dumirecho sa mga telco para mai-text blast na.

Ayon kay Recto, “ sa ngayon kasi PAG-ASA has to send a warning to NDRRMC sa Operations Center nito, then the proposed emergency warning will be sent to the NDRRMC Executive Director for approval and only if he has approved it can the NDRRMC send it to telcos for text blasting”.

Nilinaw ni Recto, wala sa batas na ang NDRRMC ang final clearing house, nilagay lang anya ito sa implementing rules and regulations.

Sabi nga, dahil sa climate change, malalakas na ngayon ang ulan kahit walang storm signal. Hihintayin pa ba na dumaan ang mensahe sa Camp Aguinaldo kung mas mabilis pa sa jet plane ang pagragasa ng tsunami sa mga lugar malapit sa karagatan?

Maraming masasagip na buhay kung mababawasan ang red tape sa pagpapadala lang ng mobile alerts kung may bagyo, lindol at iba pang kalamidad.

Kung kasing bagal ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang approval ng NDRRMC Operations Center bago mai-text blast ang mobile text alerts mula sa PAG-ASA, mataas na ang sikat ng araw bago matanggap ng subscribers ng mga telco ang weather advisory.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Comments are closed.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.