Saturday, August 19, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: Why not?

By: Milky B. Rigonan

Hindi na bago sa Senado na tumayo bilang impeachment court.

Dahil sa kontrobersiya at bintang ng umanoy ill gotten wealth ni Comelec Chairman Andy Bautista, posibleng maikasa ang impeachment case laban sa kanya.

Sa proseso, ang anumang impeachment case sa mga impeachable official tulad ni Bautista ay magmumula at pagtitibayin sa Kamara.

Kapag ito ay lumusot sa Kamara, aakyat sa Senado at magsisilbing juror o judge ang mga Senador.

Dito ngayon nagkakaroon ng banggaan ng opinyon ang ilang Senador.

Dapat bang umeksena ang Senado para imbestigahan ang umanoy ill gotten wealth ni Bautista?

Kung si Senate Minority Leader Franklin Drilon ang tatanungin, huwag na daw pumapel pa ang Senado.

Paliwanag ni Drilon, hindi maganda na mag-imbestiga pa ang Senado dahil kapag mapagtibay ang impeachment laban kay Bautista, magsisilbing impeachment court ang mataas na kapulungan.

Pero siyempre, hindi sang-ayon dito ang ilang Senador.

Sa kanyang resolusyon, sinabi ni Senate Majority Leader Tito Sotto dapat itong imbestigahan ng Blue Ribbon Committee.

Sakaling ma-impeach anya si Bautista, agad na ihihinto ang imbestigasyon ng Senado kaya walang kuwestiyon sa kanilang papel bilang impeachment court.

Malinaw din ang punto ni Senator Chiz Escudero sa nasabing usapin.

Sabi ni Escudero, hindi na bago ang isyung ito kaugnay sa posibleng papel na gagampanan muli ng Senado bilang impeachment court.

Paliwanag ni Escudero, inimbestigahan noon ng Senado sina dating Pangulong Joseph Estrada, dating Vice President Jejomar Binay at yumaong dating Chief Justice Renato Corona.

Ang mga ito ay ipinagharap ng impeachment case sa Kamara at sina Erap at Corona ay humarap noon sa Senado bilang impeachment court.

Bago ito, sinabi ni Escudero, hindi naman naging hadlang sa imbestigasyon ng Senado laban kina Estrada, Binay at Corona noon ang papel ng mga Senador bilang Senator-judges.

Kung hindi anya ito naging isyu noon, sinabi ni Escudero na walang dahilan para maging isyu ito sa mga alegasyon kay Bautista.

Bilyones ang pondong pinag-uusapan.

Katuwiran nina Sotto at Escudero, hindi naman maganda na mananahimik ang Senado sa isyung ito lalo na’t isyu ng graft and corruption ang pinag-uusapan.

Biro nga ni Sen. Chiz, kung isyu ng pagtaas ng presyo ng bawang at sibuyas pinagkakaabalahan ng Senado, bakit naman hindi ang kinukuwestiyong yaman ng pinakamataas na opisyal ng Comelec.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Comments are closed.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.