metromanila.politics.com.ph

Milky B. Rigonan: Mga paliwanag ni Aguirre

158

Ngayong linggo na lang sesyon ng Kongreso bago ang holyweek break.

Desidido na ang Senado na huwag i-postpone ang barangay at SK elections sa Mayo kahit pumasa na ang panukala sa Kamara.

Gahol na ang panahon para talakayin ang panukala lalo na’t majority ng mga Senador ay tutol na i-postpone uli ang barangay at SK elections.

Tinapos na ng Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa Dengvaxia controversy. Nangako si Senator Richard Gordon na tatapusin ang committee report.

Inilarawan ni Gordon na highly explosive at kasama sa magiging rekumindasyon ng Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng kaso sa mga dating Health Secretary na sina Janet Garin, Paulyn Ubial, Sanofi Pasteur at iba pa.

Ngayong linggo, ihahabol ang mga hearing tungkol sa umanoy ill gotten wealth ni dating COMELEC Chair Andres Bautista matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Senado dahil sa pagkabigo ng naturang opisyal na umattend sa mga ipinatawag na hearing.

Tatapusin na rin ngayong linggo ang pagdinig sa isyu ng tara system sa Bureau of Customs at ilalabas na rin ng Blue Ribbon Committee ang magkasanib na committee report tungkol sa tara at pagkakapuslit sa BOC ng shabu mula sa China.

Kung may panahon pa sana, balak ni Gordon na ipatawag at pagpaliwanagin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Nagkasunod-sunod ang mga kontrobersiyal na desisyon ng DOJ.

Una, nang ibasura ang drug charges laban kina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co et al.

Tanong ni Gordon, ano pa bang gustong ebidensiya ng DOJ sa pag-amin ni Espinosa sa public hearing na sangkot siya sa operasyon ng illegal drugs.

Aminado si Gordon na parang sampal din sa effort ng Blue Ribbon Committee na mailabas ang katotohanan sa isyu at operasyon ng illegal drugs pero nabalewala lang sa desisyon ng DOJ panel.

Pangalawa, ang pagkunsidera ng DOJ na ipailalim sa witness protection program si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles.

Reaksiyon nga ng mga Senador, simple lang naman intindihin kung sino ang qualified o hindi na ipailalim sa WPP, yun “least guilty”.

Kung sa tingin ni Aguirre na hindi “most guilty” si Napoles sa isyu ng pork barrel scam, malaki nga ang dapat ipaliwanag ng DOJ.

Pero baka hindi na abutan ng pagbabalik ng sesyon ng Senado ang paliwanag ni Aguirre. Base sa mga report, baka makasama siya sa mga masisibak sa ipatutupad na cabinet revamp.

May ilang Cabinet members ang magre-resign dahil kakandidato sa 2019, iba naman masisibak.

Pero kung si Senator Antonio Trillanes IV naman ang tatanungin, malabong masibak sa tungkulin si Aguirre.

Sa statement ni Trillanes, “Aguirre is merely a pawn, President Duterte is the real mastermind behind all these twisted legal maneuverings.All these dialolical plots can only happen with the implicit or explicit directives of Duterte”.

Sundan ang susunod na kabanata.