Wednesday, October 18, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: Mga influencer

Ngayong panahon ng mga millenial, marami ang nagsulputang termino, isa na dito ang salitang “social influencer”.

Kapag ilang libo na ba ang followers, pwede na bang i-claim ang pagiging social influencer?

Sa Facebook, Twitter at Instagram, pinaka-popular na platform ng social media, nasusukat kung gaano karami ang followers, likes at shares ng mga pina-follow natin.

Mabilis din ang interaction, palitan ng mga opinyon na madalas nauuwi sa personal na atake na kung tawagin, bashing at ang mga gumagawa nito, ang tawag, mga basher.

Sa Senate hearing ng Committee on Public Information and Mass Media tungkol sa fake news, umeksena ang mga blogger, ang iba mga sinasabing social influencer.

Ilan sa kanila, nagsusulat gamit lang ay mga alyas.

Nag-ugat ang Senate hearing dahil pitong Senador ang biktima ng personal na atake nang hindi makapirma sa Senate resolution na umaapela sa gobyerno na aksiyunan ang mga kaso ng pagpatay, ilan sa mga biktima ay mga kabataan.

Tanong nga sa social media, kung di ba mga Senador ang nagisa sa mga blog, magpapatawag ba ng Senate hearing?

Kung isyu lang kasi ng fake news ang pag-uusapan, matagal na itong nangyayari. Dati ang tawag sa fake news, propaganda o kung medyo matindi, demolition job.

Di rin naman maaalis sa pitong Senador na mag-overreact dahil ngayong panahon ng social media, ang mga blog, o anumang uri ng opinyon gamit ang internet ay mabilis na ipinapakalat sa pamamagitan ng share, likes, retweet etc.

Karamihan din sa mga nabanatan na Senador ay reelectionist kaya sensitibo sa mga bashing.

Sana lang sa Senate hearing, hindi hinayaan na umarangkada ang pagka-angas ng ilang bloggers.

Hindi dahil blog ang platfom ng pag-express ng kanilang opinyon, malaya na silang magsulat ng kahit anong gusto nilang sabihin.

Kaya sa naturang hearing, paulit-ulit na nabanggit ang salitang accountability.

Sa mainstream media, maraming journalists ang nakasuhan ng libel.

Sa broadcast media, marami ang inirereklamo sa management kung may mga nasasagasaan ng komentaryo.

And in the spirit of fair play, kinukuha ang magkabilang panig at kadalasan binibigyan ng pagkakataon na ma-interview on the air.

Sa panahon ngayon ng social media, ang mga blog hindi na lang nakasentro sa food, fashion, make up etc.

Tulad ng kanilang mga followers sa social media, ang blog ay isang platform na rin sa pagpuna sa gobyerno mula sa isyu ng ekonomiya, trapik, ejk at lahat ng usapin na may kinalaman sa sikmura ni Juan dela Cruz.

Dahil kini-claim nila ang malaking impluwensiya sa mga follower sa social media, dapat kaakibat din lagi ang accountability.

Ito sana ang maging hugot ng mga isinusulong na bill sa Senado para ang salitang accountability ay hindi lang para sa mainstream media kundi sa lahat ng sinasabing may impluwensiya sa social media.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.