Saturday, November 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: Mga ganap sa Women’s Correctional

Hindi pa nagtatagal nang ilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency mula sa Philippine National Police ang pangangasiwa sa war on drugs.

Malaking pogi points sa PDEA ang pagkakatimbog sa patuloy na drug operations sa loob ng Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City ng drug queen na si Yu Yuk Lai.

Sinundan ito ng hiwalay na operasyon ng PDEA sa condominium unit ng anak nito na si Diana Yu, ilang metro lang ang layo mula sa Malacanang.

Matagal nang usap-usapan na tuloy pa rin ang negosyo ni Yu Yuk Lai kahit nakakulong ito.

May mga report din na labas-pasok siya ng kulungan dahil “malakas” umano sa jail warden.

Madalas pa umano sa casino pero lahat ng mga impormasyong ito tila hindi nakararating noon sa mga awtoridad.

Halos ilang buwan din itong nagpa-confine sa isang maliit na ospital sa Rizal na ang dahilan, toothache o masakit ang ngipin.

Galante rin si Yu Yuk Lai sa mga taga-CIW. Sa impormasyon, isang sakong bigas kada buwan ang ibinibigay nito sa mga jail personnel bukod sa mga “suhol” na branded bags sa mga nakatataas na jail officials.

Sa mga pinamimigay na sako-sakong bigas, ilan umano dito pinadadaan ang mga shabu kaya di nasisita, malayang nakapapasok sa CIW kaya naman patuloy ang drug operations ni Yu Yuk Lai sa loob ng Women’s Correctional.

Nang makulong sa CIW si Janet Lim Napoles noong 2015, na-insecure daw itong si Yu Yuk Lai, dahil tulad niya, galante din ang pork barrel scam queen at madaling nakuha ang loob ng mga jail officials.

Sinong may sabi na walang pulitika sa CIW? May kinalaman umano si Yu Yuk Lai kaya napadali ang paglipat kay Napoles sa Camp Bagong Diwa, Taguig noong 2017.

Sabi nga, kung meron daw “reyna” sa CIW, dapat si Yu Yuk Lai lang.

Fast forward… dapat lang ibigay sa PDEA ang credit. Matagal nang untouchable si Yu Yuk Lai sa CIW pero ito ang naging “project” ng ahensiya sa pinalakas na kampanya laban sa illegal drugs.

Bukod sa CIW, tuloy-tuloy pa rin ang Oplan Galugad sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Malawak ang kampanya laban sa iligal na droga pero kokonti lang ang tauhan ng PDEA para isagawa ito sa iba pang mga kulungan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Bago nag-break ang sesyon ng Senado, sa plenary deliberation ng 2018 General Appropriations Act, nirekuminda ng ilang Senador na ilipat sa PDEA ang pondo ng PNP para sa Oplan Tokhang na nagkakahalaga ng P900M.

Kung iko-consider ang naturang rekumindasyon, malaki ang maitutulong ng naturang pondo para makakuha ng dagdag na mga tauhan ang PDEA.

Malaking hamon kung papaano mapagtatagumpayan ng PDEA ang war on drugs sa harap ng kakapusan ng pondo at kakulangan ng mga tauhan.

Pero at least, nasimulan na ang paglilinis sa loob ng CIW at NBP.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.