Saturday, November 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: Mag-pinsan, magkapatid at iba pa…

Sa 2019 pa ang Senatorial elections pero ngayon pa lang marami nang mga pangalan ang nagsusulputan para posibleng kumandidato.

Kung titignan ang listahan, sari-sari ang pagpipilian dahil ibat-ibang personalidad ang gustong sumabak para maging Senador.

Ang mga reelectionist Sernators ay sina Senators Sonny Angara, Bam Aquino, Nancy Binay, JV Ejercito, Grace Poe, Cynthia Villar at Senate President Koko Pimentel.

Ga-graduate naman sa kanilang termino sina Senators Chiz Escudero, Gringo Honasan, Loren Legarda at Antonio Trillanes IV.

Una nang naglabas ng kanilang Senatorial candidates ang PDP-Laban na kinabibilangan nina Negros Occidental 3rd District Representative Albee Benitez, Bataan 1st Distric t Representative Geraldine Roman, Davao City 1st District Representative Karlo Nograles, dating MMDA Chairman Francis Tolentino at House Majority Leader Rodolfo Farinas.

Si Ejercito ay malamang makasama sa Senatorial slate ng administrasyon kaugnay ng nalalapit na koalisyon ng Partido ng Masang Pilipino sa PDP-Laban.

Sa panig ng Liberal Party, tanging si Senator Bam Aquino sa ngayon ang kanilang kandidato sa 2019.

Aminado si Senate Minority Leader Franklin Drilon na baka mahirapan sila na makumpleto ang 12-man senatorial slate.

Sa description ni Drilon, “lean team” ang LP sa 2019, dahil bukod kay Aquino, baka aabot lang sa apat o lima ang kanilang magiging Senatorial candidates.

Bukod sa mga nabanggit, marami pa ang nangangarap na maglingkod sa Senado sa 2019.

Kabilang dito sina Communications Secretary Mocha Uson, PNP Chief General Bato dela Rosa, dating Senator Pia Cayetano, Congressman Gary Alejano, Presidential Spokesman Harry Roque at iba pa.

Asahan na hahaba pa ang listahan habang papalapit ang eleksiyon.

Kung matutuloy ang scenario, baka magkaroon ng problema sina Ejercito at Aquino.

Sa panig ni Ejercito, plano daw muli ni dating Senator Jinggoy Estrada na magkabalik Senado.

Pinayagan ng Sandiganbayan si Estrada na makapag-piyansa dahil sa kasong plunder matapos madawit sa pork barrel scam kasama sina dating Senators Bong Revilla na naka-detain pa rin sa Camp Crame at si Juan Ponce Enrile na nakalaya na dahil sa isyu ng edad at kundisyong pangkalusugan.

Ayon kay Ejercito, sana magbago ang plano ng kanyang kapatid at hayaan na siya na lang ang kumandidato tutal qualified pa naman siya ng panibagong term sa Senate.

Katuwiran ni Ejercito, hindi maganda na dalawa sila sa Senado lalo na’t siya ang author ng bill na nagsusulong ng anti-dynasty.

May nagpayo din sa kampo ni Manila Mayor Joseph Estrada na hayaan na lang si Senator JV sa kanyang reeleksiyon dahil mas makabubuti kay Jinggoy na malinis muna ang kanyang pangalan sa kontrobersiya ng pork barrel scam.

Sa kaso ni Aquino, baka mahirapan siyang makalusot muli sa Senado dahil usap-usapan na plano umano ng kanyang pinsan na si Kris Aquino na tumakbo din sa 2019.

Kaya rin daw gusto ni Kris na magkaroon ng daily o weekly TV show para magkaroon ng recall sa publiko. Matapos kasi ang termino ng kanyang Kuya Noy, sabay din natapos ang kanyang kontrata sa ABS-CBN at wala pang linaw ang negotiations nito sa GMA-7.

Papayagan ba ng LP na dalawang Aquino ang kanilang nasa Senatorial slate? Wala na bang ibang apelyido na pwedeng isama sa kanilang line-up?

Higit sa lahat, papayag ba ang publiko na dalawang Aquino ang nasa Senado, wala na bang iba?

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.