Thursday, November 23, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: “Laban, bawi”

May problema ba sa Senate minority bloc?

Kahapon, ni-released ang statement ng minority Senators (Drilon, Aquino, de Lima, Pangilinan at Trillanes) tungkol sa pagsuporta sa “resign Aguirre” call ni Senator Risa Hontiveros.

Sa statement ng LP Senators, nagkakaisa sila na dapat mag-resign na si DOJ Secretary Vitaliano Aguirre, hindi umano siya karapat-dapat sa posisyon dahil siya mismo ay sangkot sa panggigipit, paninira at pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon.

Pero hindi pa nagtatagal nang ma-released ang statement ng LP Senators, agad itong binawi.

Dalawa ang version ng ni-recall na statement.

Sa timeline , 12:02PM, statement 1: “We are recalling the statement of the minority senators on “Resign Aguirre” call of Sen. Hontiveros. There has been a misunderstanding. We apologize for the mistake”.

3:15PM, statement 2 : “There was internal miscommunication. The staff made the mistake of prematurely releasing the statement. We apologize for the inconvenience. We commit to avoiding similar lapses in the future”.

Past 4:00PM, pinadala uli sa email ang release sa pagsuporta ng LP Senators sa “resign Aguirre” call ni Hontiveros. Ibig sabihin, pwede ng ireport o isulat ang press release/statement.

Pero halos pareho ang release na unang pinadala via email kahit dalawang beses na ni-recall ang statement.

Hindi lang mga Senate reporters ang naguluhan pati na ilang mga Senador.

Iisa rin ang tanong, nagkakagulo ba sa minority bloc? Hindi ba sila pareho ng posisyon sa panawagang mag-resign na si Aguirre? Ilan ang panig at kontra kay Hontiveros sa isyung ito?

Sa info, dapat ngayon pa lang ilalabas ang statement ng LP kapag na-refer na sa committee ang privilege speech ni Hontiveros na binasa niya last Monday. Pero dahil nagkamali daw ang staff, ni-released na rin ang statement to avoid any misimpression or confusion.

May ilan LP Senators kasi ang naniniwala na mas mabubuweltahan nila si Aguirre kung hindi pa ito tuluyang magre-resign sa puwesto.

Ma-oobliga pa rin kasi si Aguirre na dumalo at sumagot sa mga hearing tungkol sa malalaking kaso na iniimbestigahan ng Senado in aid of legislation kabilang ang isyu pa rin sa extra judicial killings.

Ilang beses na pinagbintangan ni Aguirre ang “dilawan” na umanoy nag-po-pondo para madiskaril ang Duterte administration.

Kung magre-resign si Aguirre dahil sa mga nagawa nitong kapalpakan, mukhang malabo. Kapag kinukuyog nga siya ng mga netizen dahil sa mga kapalpakan, ibinubunton lang ni Aguirre ang sisi sa media sa palusot na misquoted daw siya.

Bukod dito, laging palusot ni Aguirre, he serve at the pleasure of the President. Hanggat hindi siya sinisibak sa tungkulin, mananatili siya sa DOJ.

Ikakasa na ng minority group ang panawagan na mag-resign si Aguirre kahit alam ng mga ito na malabo. Kung hindi naman siya magre-resign, makagaganti na lang ang LP sa pamamagitan ng paggisa sa kalihim tuwing haharap sa mga Senate hearing.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.