Wednesday, October 18, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: A growing sentiment vs Pimentel

Kung hindi magdo-double time si Senate President Koko Pimentel para aksiyunan ang sentimyento ng mga kasamahang Senador, baka magkaroon ng pagbabago sa Senate leadership.

Lumalakas ngayon ang sentimyento laban sa mahinang liderato ni Pimentel. Maraming pinalalagpas na mga isyu sa Senado na dapat agad na namamagitan at inaaksiyunan ng Senate President.

Sobrang ingat din ni Pimentel sa pagbibigay ng mga comment sa ibat-ibang isyu lalo na kung tatamaan ang Malacanang.

Out of touch din ang mga statement at press release ni Pimentel na ini-isyu sa Senate media, kumbaga, di magamit.

Maikakasa ba ang Senate coup? May sapat bang bilang para mapatalsik si Pimentel sa pwesto?

Isang scenario na dapat naipakita ni Pimentel ang kanyang leadership ay ang nangyari sa plenaryo noong Miyerkules.

Ang isyu – mga pumirma at hindi naka-pirma sa Senate Resolution 516.

Naiwasan sana ang banggaan ng mga Senador kung agad na namagitan si Pimentel at hindi na hinayaan na magbangayan sa plenaryo.

Umalma ang pitong Senador nang ma-bash sa social media nang hindi naka-pirma sa Senate Resolution 516.

16 Senators ang pumirma sa Senate Resolution 516 o Expressing the sense of the Senate urging the government to stop the killings of children and minors.

Ang mga ito ay sina Senate President Protempore Ralph Recto, Senators Grace Poe, Francis Escudero, JV Ejercito, Sonny Angara, Loren Legarda, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, Nancy Binay, Panfilo Lacson, Franklin Drilon, Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Risa Hontiveros, Antonio Trillanes IV at Leila de Lima.

Na-etche pwera sina Senate President Koko Pimentel, Senate Majority Leader Tito Sotto, Senators Richard Gordon, Gringo Honasan, Migz Zubiri, Manny Paquiao at Cynthia Villar.

Ang resulta, kaliwat-kanang memes at batikos sa mga blog ang inabot ng pitong Senador.

Sa plenaryo, inakusahan ni Villar sina Hontiveros at Aquino na kasama daw sa mga likod ng propaganda laban sa ilang kasamahang Senador.

Ano ba talaga ang isyu? Yun hindi pagkaka-pirma ng pitong Senador sa Senate Resolution 516 o dahil na-bash lang sila sa social media?

Malabo daw kasi ang katuwiran na hindi nakarating sa kanila ang reso, samantalang ang media, may kopya ng Reso 516.

Naniniwala si Sotto na may agenda, kaya na-eche pwera silang pito. Ibubulgar nila ang plano kapag kumpleto na ang makukuha nilang impormasyon.

Naniniwala din si Sotto na may black propaganda laban sa kanila na sinasabing malapit sa Malacanang at umanoy umaakto pang “abugado” ni President Duterte.

Sa interview ng DZRH, sinabi naman ni Pangilinan na hindi preview ng change of leadership ang nangyari nun Miyerkules.

Wala daw silang intensiyon na hindi i-inform ang mga kasamahang Senador lalo na ang pito nang ipinaikot ang Senate Resolution 516.

Katuwiran ni Pangilinan, kung may Senate coup, dapat may element of surprise. Eh yun nangyari noong Miyerkules anya, malayang nagsalita, nagbuhos ng kanilang sama ng loob sa plenaryo sina Villar, Zubiri, Sotto, Pimentel at Gordon maging sina Hontiveros at Aquino tungkol sa umanoy “saksakan sa likod”.

Isyu naman ng “kumite de absuwelto” ang pina-aaksiyunan ni Trillanes kay Pimentel, dahil hindi anya lalabas ang katotohanan kung si Gordon ang mananatiling Chairman ng Blue Ribbon Committee.

Ipinahiwatig ni Trillanes, kung uupuan lang ni Pimentel ang kanyang apela, kikilos siya para mapatalsik ito bilang Senate President.

Matapos ang bangayan sa plenaryo noong Miyerkules, may mga nag-loyalty check na, palitan ng viber messages at nagpapaliwanag sa pagpirma sa Reso 516.

Marami pang isyu ang lalabas at pag-uusapan. Ang tanong, aaksiyunan ba ito ni Pimentel?

Sa ngayon, ito lang ang mensahe niya na pinadala thru viber, “He (Trillanes) can go ahead with his plans. This is a free country”.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.