metromanila.politics.com.ph

Milky B. Rigonan: Close ranks

11

Maingay ang usapin ng cha-cha sa Kamara at Senado.

Noong Miyerkules, umarangkada na ang hearing ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na pinamumunuan ni Senator Francis Pangilinan.

Pinakahuling pagdinig ng kumite ay noon pang 2016 at ngayon lang nasundan ang hearing dahil nabuhay ang isinusulong na pag-amyenda sa ating saligang batas sa ilalim ng Duterte administration.

Maganda rin na napakinggan ang panig ng ibat-ibang stakeholders lalo na ang “wisdom” nina dating Supreme Court Chief Justices Hilario Davide Jr., Reynato Puno, Adolfo Azcuna at dating Senate President Aquilino Pimentel Jr.

Iba-iba ang posisyon at opinyon kung dapat at bakit kailangan amyendahan ang 1987 Constitution at kung sa porma ba ng constituent assembly o constitutional convention.

Plano ng kumite ni Pangilinan na maging bukas sa publiko ang hearing dahil ang anumang isyu anya ng pag-amyenda sa ating saligang batas ay dapat ikunsulta at maintindihan ng taongbayan.

Bukod sa Senado, magpapatawag din ng hearing si Pangilinan sa ibat-ibang mga lalawigan para makunsulta at marinig ang sentimyento ni Juan dela Cruz.

Paninindigan din ng Senado na huwag silang madaliin sa panukalang chacha. Habang ongoing ang mga pagdinig sa chacha, pagkakaabalahan din ng Senado ang pagtalakay sa iba pang mahahalagang panukalang batas.

Next week ang pagpapatuloy ng hearing sa isyu ng dengvaxia vaccines. Eeksena din ang Senado sa kontrobersiya ng magarbong Christmas party ng PCSO at ang panukalang Bangsamoro Basic Law.

Bukod pa dito ang iba pang mga isyu na malapit sa sikmura ni Juan dela Cruz tulad ng solusyon sa traffic, second phase ng TRAIN law at iba pa. At least naka-focus ang Senado sa iba pang mga usapin hindi lang sa ingay ng chacha.

Kung may kagandahan man ang isyu ng chacha sa mga Senador, ito ay ang pagkakaisa sa usapin ng constituent assembly o pamamaraan sa pag-amyenda sa ating saligang batas.

Sa ipinatawag na all Senators’ caucus noong Martes ng gabi, walang kumontra sa panukala ni Senator Panfilo Lacson na mahaharap sa expulsion ang sinumang Senador na dadalo sa hearing ng Kamara para sa chacha.

Sabi ni Lacson, ” in case of that remote possibility na meron in the future, he or she cannot escape a misdeed that borders on treachery to our Senate as an institution. We can use our mechanism in the Ethics committee to execute my proposal”.

Pinalulutang kasi ng mga mambabatas ang scenario na kapag may isa o dalawang Senador na dumalo sa chacha hearing sa House of Representatives tungkol sa chacha, ituturing na itong joint session.

Sabi ni Lacson, “the all Senators caucus on Charter change blurred the line that divides the majority and minority blocs”.