Wednesday, October 18, 2017
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: “Bye Manong Joe”

Siya ang boses na maririnig mo tuwing umaga sa DZRH.

Umulan o umaraw, siya ang naghahatid ng mga balita, holiday man o may pasok.

Marami sa atin, maliit pa nakikinig na kay Joe Taruc, Jose Malgapo Taruc Jr sa tunay na buhay.

Icon. Isa sa mga nirerespeto sa broadcast industry. Na-interview na yata niya ang halos lahat ng mga opisyal ng gobyerno, mga personalidad na nasa likod ng balita, mula panahon ni Marcos, Tita Cory, FVR, ERAP, GMA, Pnoy at sa kasalukuyang Duterte administration.

Isa siya sa mga pioneer ng ABS-CBN’s DZAQ Radyo Patrol bago mag-Martial Law.

Noong 1980’s lumipat siya sa DWWW ng Kanlaon Broadcasting System at naka-tandem si Noli de Castro.

Nag-programa din siya sa DZBB Bisig Bayan bago lumipat ng DZRH noong 1991.

Sa 16th KBP Golden Dove Awards itinanghal siya bilang Ka Doroy Broadcaster of the Year.

Marami pa siyang mga award pati na ang mga programa niya sa DZRH gaya ng Liberty In Action, Balitang Bayan Numero Uno, Pangunahing Balita at Damdaming Bayan.

2013 nang makasama ako ni Manong Joe sa Damdaming Bayan, the longest public affais program ng DZRH.

Noong una, takot at kaba ang naramdaman ko, siyempre Joe Taruc yan, ibang level.

Awkward pag tinatawag ko siyang Manong Joe sa program, Boss JT kasi tawag namin sa kanya.

Matagal ko siyang naging boss sa DZRH. Istrikto at matapang, kung di matibay ang loob mo, iisipin mo nang mag-resign. Hindi siya pwedeng paikutan sa mga detalye, alam at kabisado niya ang takbo ng mga balita. Sa kanya ako natuto magsulat ng balita, short and precise.

Noon, kapag magre-report ako sa kanya, hindi kumpleto kung walang Q&A. Alam nya kung kabisado mo o hindi ang detalye ng report.

Unang salang ko sa Damdaming Bayan, he welcome me with open arms. Wala siyang superstar complex.

Bilib ako sa dedication niya sa trabaho. Di nale-late.On time sa programa.

Minsan sa program, habang naka-commercial break, nasabi nya sa akin, mapili siya sa mga ka-tandem pero nang malaman niya na magkakasama kami sa Damdaming Bayan, natuwa siya. Meron na daw sya makaka-banter.

Nakausap ko siya after ng kanyang birthday noong September 17.

Wala akong ibang birthday wish sa kanya taon-taon but good health.

Halos mabulunan siya sa katatawa nang sabihin ko “Boss wag ka mag-alala, di na ako nale-late sa program”.

Natahimik din siya nang sabihin ko, “Boss, I can’t wait to see you on board again”.

Ano nga ba si Joe Taruc off mic:

Terror na boss. Bawal magkamali kapag ikaw ang writer sa kanyang mga news program. Dapat hindi siya “madadapa” sa ere kapag binasa ang kopya ng script

Hindi uma-absent sa programa maliban kung talagang hindi na kaya ng kanyang katawan.

Hindi na-le-late sa programa. Two hours bago sumalang, nabasa niya na lahat ng dyaryo. Mula national news to sports, alam lahat ang detalye.

– Umuulan ang mga mura sa newscenter pag may sabit ang technician sa pag-load ng commercial spots o kung may sabit sa news item at voice clips

– kapag nakipag-banter sa reporter, dapat masasagot mga tanong niya. Alam niya kung kinopya ang report, kung panis na ang balita at kung hindi nag-cover ang reporter.

_. Pinipilahan ang opisina nila ni Deo Macalma tuwing Pasko. Lahat pwedeng pumila – reporters, employees, security guards, technicians, janitors – wala silang pinipili. Lahat ng pumila may crispy bills. Cash ang pamasko.

Pinakamasaya siya pag kinukuwento ang kanyang mga apo.
Matalas ang memorya. Natatandaan ang petsa at mga lugar ng mahahalagang coverage at events na na-cover niya kahit ilang taon na ang nakalipas.

– Matulungin sa nangangailangan.

Mahusay na mentor.

– “Milkykay” ang tawag nya sa akin.

Ngayon na nag-sign off ka na, salamat sa pagkakataon na makasama mo. Isang karangalan na maging bahagi ng programa mong “Damdaming Bayan”.

Rest in peace JT.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.