Monday, January 22, 2018
politiko-politics-ph-logo

Milky B. Rigonan: BBL o Federal form of government?

Bago ang Christmas break, naipasa ng Senado ang dalawang pangunahing panukalang batas na isinusulong ng Duterte administration – ang 2018 General Appropriations Act at Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Siniguro ng Senado na maisasabatas ang dalawang panukala bago mag-Christmas break dahil pagpasok ng January 2018 baka maging abala ang mga Senador sa impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Kung pagbabasehan ang usad ng impeachment hearing, baka Marso pa umakyat sa Senado ang impeachment laban sa Supreme Court Chief Justice.

Pero sa 2018, hindi lang sa impeachment magiging abala ang Senado dahil marami pang priority bills ang Duterte administration na muling isusulong ng gobyerno matapos ang 2018 GAA at TRAIN.

Kabilan sa mga priority bills ni Pangulong Rodrido Duterte na gusto niyang mapagtibay sa susunod na taon ay ang Bangsamoro Basic Law.

Noong Miyerkules, sinimulan ng Senate Committee on Local Government ang unang hearing sa BBL.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, pangunahing concern ng Senado na tiyakin na kung maipapasa ang BBL, dapat ito ay naaayon sa ating saligang batas.

Suportado rin ng Senate minority ang BBL. Ayon kay minority leader Franklin Drilon, ito ang ikatlong pagkakataon para muling talakayin ng Kongreso ang BBL.

Una anya ang MOA-AD at ang pangalawa ay ang BBL na hindi naipasa noong nakalipas na 16th Congress.

Aminado si Senator Migz Zubiri, vice chairman ng Committee on Local Government na mahaba-habang proseso ang talakayan sa BBL.

Dahil dito, hinihirit ni Drilon na i-adopt na lang ng Senate committee secretariat ang mga comment nang tinatalakay ang panukala noong 16th Congress para makatipid sa oras.

Apela naman ni Zubiri sa Kamara na i-delay ang pag-usad ng impeachment hearing sa Kongreso para matutukan muna nila sa Senado ang mga priority bills sa 2018 kabilang ang BBL.

Plano kasi ni Zubiri na magkaroon ng marathon hearing sa BBL kabilang ang pag-iikot sa ibat-ibang lugar sa Mindanao para marinig ang posisyon ng mga mamamayan doon.

Pero kung magkukumahog ang Senado sa BBL, mukhang hindi naman ito ang prayoridad sa Kamara dahil mas nakatuon ang pansin ng mga Kongresista sa pagsusulong sa federal form of government.

Dapat may kumpas ang Malacanang dito, ano ba ang dapat unahin, BBL o pagsusulong sa federal form of government.

Di rin kasi biro ang oras na ilalaan sa pagtalakay sa naturang mga panukala bago pa man maubos ang oras ng mga Senador sakaling umusad ang impeachment trial ni Sereno.

Politiko would love to hear your views on this...

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.