metromanila.politics.com.ph

Mga isyu ni Juan dela Cruz sa SONA

98

Kapag malapit na ang State of the Nation Address, kaliwat-kanan na naman ang ginagawang assessment sa performance ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang administrasyon.

Sa July 23, kasabay ng pagbubukas ng regular session ng Kongreso ang ikatlong SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, hindi perfect ang kasalukuyang administrasyon pero hindi anya matatawaran ang effort ng pamahalaan para masugpo ang problema sa illegal drugs.

Kaya naman pagdating anya sa hangad ng Pangulo na malutas ang problema sa iligal na droga, A ang ibingay na grado ni Sotto.

Sabi ni Sotto, “I will give him an A for effort and sincerity in fighting illegal drugs and criminality. His weakest point is not being in good terms with the media”.

Sa panig ni Senator JV Ejercito, pagdating sa peace and order, malaki ang ipinagbago sa mga komunidad. Pero dapat anya mag-double time pa rin ang gobyerno para maisulong ang economic development.

Ayon kay Ejercito, dapat mag-focus ang pamahalaan sa infrastructure development na malaki ang maitutulong sa paglago ng ekonomiya.

Nakukulangan naman si Senator Panfilo Lacson sa pagtugon ng gobyerno sa war on drugs. Paliwanag ni Lacson, mas importante ang prevention, pero naka-focus lang anya ang goyerno sa suppression lang at kulang sa visibility.

Pero dahil sa magkakasunod na pagpatay sa tatlong local officials, malaking hamon sa Duterte administration ang pananatili sa peace and order at paglutas sa mga krimen.

Hamon sa PNP na maresolba ang kaso nina Tanauan City Mayor Antonio Halili, Mayor Ferdinand Bote ng Nueva Ecija at Trece Martires City Vice Mayor Alex Lubigan na magkakasunod na binaril at napatay.

Maraming isyu ang inaasahan ng taongbayan na aksiyunan ng gobyerno dahil sabi nga, hindi lang illegal drugs ang malaking problema ng bansa.

Hindi rin nangangahulugan na tuwing nalalapit lang ang SONA pakikinggan ang karaingan ng mamamayan.

Bukod sa war on drugs at peace and order, maraming gustong marinig ang publiko na dapat aksiyunan ng gobyerno, mga isyung may kinalaman ang “sikmura” ni Juan dela Cruz.

Patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, produktong petrolyo at serbisyo, sahod ng mga manggagawa at araw-araw na perwisyo ng traffic.

Sa mga nabanggit na isyung ito, hindi na kailangan ang mahabang paliwanagan, dapat lang maging sensitibo ang economic managers ng Pangulo.