Tuesday, November 21, 2017
politiko-politics-ph-logo

Ely Saludar: Movie Director sa SONA

By: Ely Saludar

Bagamat ang nais ng Malacanang na maging simple lang ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi pa rin ito maiwasan.

Sa mga dumalo na mambabatas at iba pang bisita sa SONA ay bagamat hindi gown pero kitang kita sa mga bestida o kasuotan ng mga mambabatas lalo na ng mga kababaihan.

Pero ang nakakatawag pansin sa SONA 2017 ng Pangulo ay ang estilo ni Director Brillante Mendoza habang nagtatalumpati ang Pangulo.

Bakit kailangan pang artehan ang anggulo ng camera o kuha sa Pangulo habang nagtatalumpati?

Nagawa pang i focus sa camera ang mukha ni Pangulong Duterte na hindi naman ata kelangan na makita ng manonood.

Ang pinaka importante sa SONA ng Pangulo ay ang kaniyang mensahe sa publiko o ulat sa bayan.

Hindi naman pelikula ang SONA upang paikot ikutin ang anggulo ng camera habang nagtatalumpati ang Pangulo.

Hindi lang dapat sa mga kasuotan ang ang gawing simple sa SONA kundi ay ang mismong ang mga kuha ng camera ng Pangulo ay gawing simple na makita at mapakinggan lang ang sustansiya ng talumpati ng Pangulo.

Marahil ay hindi na kelangan pa ang Director sa SONA dahil kung tutuusin ay mas magagaling pa ang mga kagawad ng Radio-Television Malacanang (RTVM) na siyang naka toka sa lahat ng pagkuha ng video o larawan sa anumang official engagements ng Pangulo ng bansa.

Facebook Comments

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.