Monday, September 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

Ely Saludar: Command Responsibility ng Cabinet Official

Sa anumang Departamento ay dapat mayroong pananagutan ang sinumang pinuno nito sa anumang kapalpakan ng kaniyang tauhan.

Isang halimbawa dito ay ang pahayag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na handa siyang magbitiw sa puwesto sakaling lumala pa ang bird flu outbreak sa San Luis Pampanga.

Ibig lang dito ng kalihim na tiyakin sa publiko na kontrolado nya ang sitwasyon at inaayos na ang lahat ng problema sa kaniyang Departamento.

Isang tunay na maginoo at hindi kapit tuko si Piñol sa kaniyang puwesto.

Pero kailanman ay hindi natin ito kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar na napakarami ng kapalpakan sa kaniyang Departamento.

Kahit pabalat bunga man lang ay ni hindi man lang natin na narinig kay Andanar na siya ay handang magbitiw sakaling maulit muli ang kapalpakan sa kaniyang Departamento tulad sa mga nangyayari sa Philippine News Agency (PNA).

Kung sabagay ay hindi kayang banggitin ito ni Andanar dahil siya mismo ay maraming sablay isa dito ang kaniyang alegasyon ng tumanggap ng 1,000 US dollars ang mga reporters sa Senado mula umano kay Senator Antonio Trillanes IV matapos ang isang Press Conference.

Kaya nga pinagbawalan na itong si Andanar na magsalita at magsilbing tagapagsalita ng Pangulo o ng Malacanang na hindi nangyari sa iba pang naging Communications Secretary o dating Press Secretary.

Hindi lang natin malaman kung bakit hindi pa mapalitan si Andanar o baka naman sa sobrang kabaitan ni Pangulong Duterte ay nais niyang magkusa ng magbitiw.

Kapit tuko nga ba? o nawala na ang usaping delicadeza na sana ay laging namamayani sa sinumang opisyal ng gobyerno :

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Comments are closed.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.