Monday, November 20, 2017
politiko-politics-ph-logo

Erap believes Duterte deserves to take a break: I also couldn’t sleep while soldiers are dying in the field

Nanawagan si dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa publiko na hayaan na lang munang makapagpahinga at mapag-isa ang lider ng bansa.

Ayon kay Estrada, naiintindihan niya ang mahirap na sitwasyon na kinakaharap ngayon ni Duterte lalo na’t maraming problema ang bansa, isa na rito ang halos isang buwan nang kaguluhan sa Marawi City.

“Let’s give him the privilege of being alone for a while. It’s hard to be a president, ‘di lang ‘yan ang problema ng bansa,” pahayag ni Estrada sa mga mamamahayag sa ginanap na presentation ng 30 kandidata ng Miss Manila 2017 pageant sa Manila City Hall nitong Biyernes, Hunyo 16.

“Nanggaling na ako diyan, e, palagay ko nagpapahinga lang,” sagot niya nang tanungin kung ano sa tingin niya ang dahilan bakit hindi nagpapakita si Duterte sa publiko simula nang lumiban siya sa flag-raising ceremony sa Rizal Park nitong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.
“Siyempre, ‘andaming problema…bilang pangulo, lalo na may problema sa Mindanao.”

Noong siya’y pangulo, partikular na sa kasagsagan ng kanyang all-out war laban sa
Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong 2000, kinuwento ni Estrada na maging siya ay hirap makatulog kaya’t lagi siyang stressed.

“I don’t like giving excuses now,” ani Estrada, “e ako din nu’n, ‘pag maraming namamatay na sundalo, ‘di rin ako makatulog.”
Malamang aniya ay gumugugol lang si Duterte ng mas maraming oras kasama ang kanyang mga advisers upang hanapan ng solusyon ang mga problema na ng bansa, una na rito ang krisis sa Marawi.

“Siguro, iniisip nila paano…how to solve the problems of the country – economy, peace and order, everything. ‘Di lang basta-basta maging pangulo, e,” sabi niya Estrada.

“Let’s just all wish him good health, and pray,” dagdag pa niya.

Facebook Comments
Recommended Articles

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.