metromanila.politics.com.ph

Fully completed R-10 opens to traffic, DPWH says

0 76

Bubuksan na sa publiko ngayong umaga ang ‘fully completed’ na 9.7 kilometer Radial Road 10 (R-10), ayon sa Department of Public Works and Highways.

Sa panayam sa dwIZ, sinabi ni DPWH Undersecretary at spokesperson Karen Jimeno na ang 12-lane R-10 ay magsisimula sa Port Area sa Maynila patungo sa Monumento sa Caloocan City.

Sa pagbubukas ng R-10, may alternatibong ruta na ang motorist mula sa western portion ng Metro Manila patungo sa norte, sa halip na dumaan sa EDSA o C5.

Mahigit sa P100 milyon ang ginastos ng gobyerno sa R-10 construction project kung saan umabot sa 3,000 informal settlers ang na-relocate.

Sabi ni Jimeno, ang makakatulong ang road project para mabawasan ang traffic congestion sa Metro Manila.

Ang radial road na ito ay konektado sa Manila, Navotas at northern coastal provinces ng Bulacan, Bataan at Pampanga.