Saturday, March 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

Manila City exec wants Traslacion rerouted to lessen traffic, garbage

Upang mapaikli ang prusisyon ng Itim na Nazareno at mabawasan ang trapik at basura, iminumungkahi ng hepe ng Task Force Manila Cleanup na baguhin na lang ang ruta ng taunang Traslacion simula sa isang taon.

Minungkahi ito ni Che Borromeo, pinuno ng nasabing task force, kasabay ng pagpuri ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga street sweepers ng lungsod na nanguna sa paglilinis ng mga basurang iniwan sa kalye ng mga deboto.

Tumagal ng 22 oras at 19 minuto ang Traslacion- ito na ang pinakamatagal sa kasaysayan ng taunang prusisyon. Umabot din sa 3.5 milyon ang mga debotong sumali dito, ayon sa Manila Police District (MPD), na pinakamarami din sa kasaysayan.

Ngunit nagtala rin ng bagong record ang naturang prusisyon sa dami ng basura na dinulot nito, na ayon kay Borromeo, ay umabot ng 12 trak.

“Mas maraming basura ngayon sa dami ng mga deboto, at tumagal din ng 22 oras ang prusisyon. ‘Pag mas mahaba ang prusisyon, inaasahan na nating mas maraming basura,” paliwanag ni Borromeo.

Ang kanyang suhestiyon: iiwas na lang ang ruta ng Traslacion sa masisikip na kalye ng lungsod kung saan tumatagal na makadaan ang andas at ang milyun-milyong debotong sumusunod dito.

“Dito nagtatagal ang prusisyon, sa masisikip na kalye. Sana ay sa mga main roads at mas maluluwag na kalsada na lang pinadadaan ang Traslacion,” ani Borromeo.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.