Saturday, March 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

Iwas kotong: MMDA implements reshuffle of traffic constables, sector heads

Ire-reshuffle ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang mga traffic enforcers, kasama ang mga sector heads at employees nito para masigurong naipatutupad mabuti ang mga traffic policies nito.

Inihayag ni MMDA officer-in-charge Tim Orbos ang reshuffle para aniya maipatupad nang mabuti ang “nose-in, nose-out” policy sa mga bus sa EDSA.

Sabi ni Orbos, kailangan magkaroon ng ‘total revamp’ sa sector heads at enforcers sa kahabaan ng EDSA para ma-discourage ang mga ito mangikil sa mga bus drivers.

Nakatanggap kasi ng mga sumbong hinggil sa diumano’y pagtanggap ng lagay sa mga MMDA traffic enforcers mula sa ilang mga bus operators na sumusuway sa ‘nose-in, nose-out’ policy ng ahensiya.

Ngayong araw, Martes, istriktong ipatutupad ng MMDA ‘nose-in, nose out’ policy sa EDSA.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.