Friday, November 24, 2017
politiko-politics-ph-logo

Black Nazarene procession ends after 22 hours

Sa kabila ng banta ng terorisymo, natapos din ang Traslacion o ang paglilipat ng Black Nazarene mula Luneta Grandstand patungo sa Quiapo Church matapos ang 22 oras at 19 na minuto.

Mas mahaba ng isang oras kumpara noong nagdaang taon. Bandang alas-3:42 ng madaling araw nang maipasok sa simbahan ang andas.

Nagsimula ang Traslacion alas-5:20 ng madaling araw sa Quirino Grandstand sa Rizal Park sa lungsod ng Maynila noong Lunes.

Sa kabuuhan, 25 kalsada ang dinanan ng prusisyon na dinaluhan ng mahigit sa 1.45 milyong debote ng Itim na Nazareno.

Walang naitalang nasawi sa okasyon subalit lagpas isang libo naman ang ginamot dahil sa mga tinamong sugat ng mga ito. May ilang nawalan nang malay at mga nahilo na tinulngan ng mga medical teams na nasa paligid ng prusisyon.

Noong nagdaang taon, dalawa ang nasawi sa prusisyon.

Samantala, sinabi ni Manila Police District head Chief Supt. Joel Coronel ‘generally peaceful’ ang pagdaraos ng Traslacsion.

Sa kabila ng terror threat, sinabi nitong sapat ang ginawa nilang paghihigpit para sa seguridad ng mga debotong dumalo sa taunang Traslacion kabilang na ang pagpapairal ng signal jammer sa mga cellphone.

Facebook Comments
Recommended Articles

Recommended on other sites

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.