Saturday, February 25, 2017
politiko-politics-ph-logo

Traslacion 2017: Truck ban imposed on Roxas Blvd

Ipatutupad ngayong araw ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang truck sa bahagi ng Roxas Boulevard sa Maynila para bigyang daan ang prusisyon ng Black Nazarene.

Sabi ni MMDA officer-in-charge Tim Orbos, magsisimula ang truck ban 2:00 a.m. hanggang 1:00 p.m mula Quirino Avenue hanggang Anda Circule.

Pinayuhan nito ang mga truckers na maapektuhan ng truck ba na gamitin ang mga alternate routes papasok at paglabas ng mga ports.

Samantala, itinalaga naman ang Intramuros Golf Course bilang evacuation sites sakaling magkaroon ng emergencies sa pagdiriwang ng piyesta ng Itim na Nazareno.

Mula pa noong Sabado, nagpakalat na ang MMDA ng 1,200 personnel para sa maayos at ligtas ng prusisyon ng Black Nazarene.

Linggo ng gabi nang simuman ang pahalik sa Black Nazarene sa Qurino Granstand habang ang Translacion ay magsismula alas-7 ng umaga mula Luneta patungong Quiapo Church.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.