Wednesday, January 18, 2017
politiko-politics-ph-logo

PNP, NTC implement signal jam during Traslacion

politiko Daily feed

Nagpatupad ang National Telecommunications Commission at Philippine National Police ang pansamantalang pag-shutdown ng mobile services bilang bahagi ng security measure sa Traslacion.

Ayon kay National Capital Regional Police Office Director Chief Supt. Oscar Albayalde, ipinatupad ang signal jamming para sa mobile phones sa lawak ng isang kilometrong radius.

Ibig sabihin nito, walang signal ang lahat ng networks sa bahagi ng pinagdarausan ng prusisyon ng Black Nazarene.

Sinabi naman ng mga telecommunication companies na ibabalik lamang nila ang serbisyo kapag binigyan ng sila ng go-sginal ng mga awtoridad.

Naunang nang kinumpirma ng Department of Interior and Local Government na may terror threats” sa pagdiriwang ng Black Nazarene subalit itinanggi naman ito ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police.

Disclaimer:
The comments posted on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of POLITICS.com.ph. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Trending News

Politiko Poll

Quick Links
Connect With Us
Want Politiko alerts on your inbox? Subscribe here.