metromanila.politics.com.ph

Over 200 injured in Black Nazareno procession

0 75

Mahigit 200 katao na ang nasugatan sa pagsisimula ng Traslacion ngayong umaga, pati na rin sa tradisyonal na “Pahalik” habang nakiusap muli si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga deboto ng Nazareno na huwag magkalat.

Ayon kay Estrada, naniniwala siyang magiging payapa at ligtas ang prusisyon dahil na rin sa matinding seguridad na hinanda ng pamahalaang lokal.

“Yes, we are prepared. Lahat naman nakahanda,” pahayag ni Estrada matapos dumalo sa midnight mass na isinagawa sa Quirino Grandstand.

Nanawagan din siya sa mga deboto na kung maaari ay huwag magkalat.

“Isipin nila, dapat laging malinis at huwag silang magkalat para naman sa ganu’n ay igalang naman tayo, at bilang paggalang na rin sa ating Poong Maykapal,” ani Estrada. “Tayong mga Filipino malilinis tayo.”

Base sa tala ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDDRMO) ngayong alas-9 ng umaga, mahigit 200 katao na ang nagkaroon ng minor injuries.

Ayon sa hepe ng MDRRMO na si Johnny Yu, kabilang dito ang tatlong babaeng deboto na nabalitaan ng buto nang mahulog at matapakan ng ilang deboto habang tinatangka nilang akyatin ang andas
“So far, we have no untoward incident. We have about 200 injuries but almost all are only minor,” ani Yu.

Pitong deboto rin ang dinala sa Ospital ng Maynila nang mabagsakan ng steel railings.